When asked how she feels about her involvement in this controversy, Amanda Coling answered, "Everything has its ups and down."

Photo: Rommel Llanes

"Ako, basta, sa palagay ko hindi naman ako pababayaan ng Diyos. Kung anuman ang mangyari diyan, I trust in karma, in God, and in the universe."

May mga tumutulong na ba sa kanyang cause-oriented women's group gaya ng Gabriela?

"A, from Gabriela wala pa. Pero I spoke with Gabriela na more than a month ago na... Yes, I'm open to that."

SHOWBIZ PLANS? Inamin ni Amanda na noon pa niya balak mag-showbiz.

"Model ako, di ba? So, it would hypocritical to say na wala," ang sabi niya.

"Kasi ever since na bata ako, may aspiration na ako to get into showbiz.

"Pero, I never wished na yung entry ko is something like this, na alam ko yun, na papasok sa ganitong controversies."

WHO IS AMANDA COLING? Mula sa umpisa ng interview at sa katapusan, kapansin-pansin ang pag-i-Ingles ni Amanda. Dahil dito, inusisa ng PEP ang kanyang background.

"I went to UP [University of the Philippines] Diliman. I was under the Department of Science and Technology scholarship. I took up Applied Physics," panimula niya.

Dagdag pa ng modelo, "Hindi mayaman ang family ko, and I grew up without a dad. And I'm so strong. I know how to take care of me and I know how to protect me."

Natapos ba niya ang kursong pinag-aralan?

"No, I haven't. Third [year level] lang," sagot ni Amanda.

"I was working and studying and sobrang hirap. And I had scholarship. Sobrang hirap no'ng physics."

Paano siya napasok sa modeling?

"Tiga-Makati ako. If you live in Makati and you go out a lot, it's so easy to be a part, or to model. Marami rin naman diyang modelo din."