"Ako ang feeling ko, kinabahan sa totoo lang, more than Atasha. Kasi, sinasabi ko kay Atasha, 'Ano, you want, we can go home na lang?' Sabi naman niya, 'It's okay Mom, I can do it,'" says Charlene Gonzalez on how nervous she was during daughter's audition.

Photo: Noel Orsal

Ikinuwento ni Charlene Gonzalez last Sunday sa The Buzz ang tungkol sa naging experience niya bilang isang mommy at sa isa sa kambal niyang anak na si Atasha na nag-audition para sa play na The Sound of Music. 

"Alam n'yo, dahil na rin ito sa tulong ni Tita Girlie Rodis. Pinag-audition si Atasha sa isang play, sa The Sound of Music. Pinag-audition si Atasha, noong Friday po 'yan.

"Pumasok kami sa audition room. Hindi ko naman akalain na ganoon kabigat pala ang audition na 'yun.

"She was made to sing in front of the judges. Parang Pilipinas Got Talent, sa Resorts World. 

"So, habang kumakanta si Atasha, naninigas talaga ang batok ko. At saka, nagpa-flashback sa utak ko si Mommy Elvie [Gonzalez, her mom] at saka si Mommy Pinty [Toni Gonzaga's mom]. 

"Sabi ko, 'Naku, hindi ko yata kayang maging stage mom!'"

Mas natensiyon pa raw siya kaysa sa Mommy Elvie niya who was with her during Atasha's audition.

"Sabi ng mommy ko, 'Alam mo, lumabas ka na lang. Don't stay in the room. Nate-tense ako sa 'yo."

Boy Abunda asked Charlene kung naka-heels daw ba siya that time.

"No. Alam mo, Boy, after that, I just remember them telling me, 'Can you be a good mom, a dutiful mom, and wait for another two hours?'

"Ako naman, 'O, sige po.' Paglabas namin, 'Ano ang ibig sabihin noon, tanggap na ba si Atasha?'

"So, bumalik kami two hours later. Kasama pala si Atasha. And thank God, she's one of the cast of The Sound of Music."

Tinanong naman ni Boy si Charlene kung ilang tickets daw ang bibilhin niya.

"Naku, buong barangay! Kung sino ang gustong manood sabihin n'yo lang sa po sa akin!" natatawang sabi niya.

Sabi naman ni Boy, tutulong daw sila at sabihin lang sa kanila at sila ang bibili ng tickets.