"I love what I'm doing and it's a dream of any kid to have this kind of opportunity. But it makes me miss my family a lot," says Maria Aragon.

Photo: Ruel J. Mendoza

Nasa Pilipinas na ang Filipino-Canadian YouTube sensation na si Maria Aragon.

Dumating siya kagabi, July 20, bandang 10:30 p.m. lulan ng Japan Airlines.

Hanggang September ng taong ito mag-stay si Maria sa Pilipinas dahil marami siyang magiging trabaho rito.

Nakilala si Maria Aragon dahil sa kanyang pag-awit ng "Born This Way" ni Lady Gaga, na na-release sa YouTube noong February 16, 2011.

Pipirma ng recording contract si Maria sa Star Records at this Sunday, July 24, ay guest siya sa ASAP Rocks.

Inamin ni Maria na gusto niyang makilala at makasama sa isang production number sila Piolo Pascual, Martin Nievera, at Gary Valenciano.

"I really like to work with Piolo Pascual. I find him so talented. I also like Martin Nievera. I love his songs and he's a very good singer.

"And it's a dream for me to meet and work with Gary Valenciano. He is such a performer and it would be a dream come true if I get to sing a song with him," sabi ng 11-year old singer nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa NAIA.

STILL PINOY. First time makarating ng Pilipinas si Maria, pero nakakaintindi at nakakapagsalita siya ng konting Tagalog.

"Back in Canada, especially in our home, people speak Tagalog and I grew up understanding a few words. Kaya naiintindihan ko ang ibang words. I can speak konting Tagalog," sabi niya.

Kahit nga raw sa pagkain ay alam ni Maria ang Filipino foods.

"I eat Filipino foods. I'm like Jollibee. Favorite ko yung Chickenjoy!" sabay tawa niya.

Gusto raw puntahan ni Maria ang Boracay dahil marami ang nagsasabi sa kanya na ito ang isa sa pinakamagandang tourist spot sa Pilipinas.

"Many are telling me that Boracay is one of the best beaches in the world. I like to see that for myself.