Noong Martes, July 19, ipinagdiwang ng aktor na si Diether "Diet" Ocampo ang kanyang 37th birthday.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Diet sa taping ng ABS-CBN primetime series na Guns and Roses kahapon, July 20, sa Bacood, Sta. Mesa, Manila.
Sinabi ng aktor na naging payak lang ang selebrasyon niya ng kanyang kaarawan.
"Nag-dinner kami ng mga Monchters— si Bea (Alonzo), si Shaina (Magdayao), si Enchong (Dee), 'tsaka si Tito Monch (Novales), 'tsaka my best friend and my brother," banggit niya.
Si Diether ang nakaisip ng pangalan ng kanilang grupong "Monchsters," na pare-parehong under sa Star Magic handler na si Monch Novales.
THE GIFT. Sa tagal na ni Diether sa industriya, marami nang mga artsista ang napalapit sa kanya.
Kaya naman ngayong kaarawan niya, ano ang pinakamagandang regalo na natanggap niya?
"Ito na siguro yun... Guns and Roses," wika niya.
"Medyo demanding lang yung role.
"Nahirapan ako kasi kakaiba, e, I've never done anything like this.
"So, malaking bagay na yung mga kasama mo dito sa trabaho, magagaling, e, talagang hindi matatawaran."
Pero bukod sa kanyang show, magandang regalo rin daw para sa kanya na dumadami ang miyembro ng kanyang itinatag na foundation.
"Of course, I'm so blessed with very good team sa K.I.D.S. (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation, dahil yung team namin, lumaki na nang lumaki, e.
"[Ang] dami na naming volunteers, I spent it [birthday] with them just recently, nag-treat ako dun sa members and volunteers.
"Kasi sila, pati yung gumagawa sa groundworks, so, masaya din na nakikita mong lumalaki yung foundation.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
17 greencardholder
16 happygolucky
15 Blood_Orchid
14 lukaret1
13 fecatada
12 misstoe
11 chantalk
10 creshia
9 nuibi
8 K4rm4
7 dakilangina
6 marikinaRiver
5 kapusoakotalaga
4 fanhan
3 exclusibo
2 kapusoakotalaga
1 ICUM2U