"As I grow in this industry, parang nakikita mo yung magandang direction, di ba?
"So, yun ang nakakatuwa, and ang pinakamagandang gift siguro is being able to sustain, di ba, lahat ng pinaghirapan ko dati?
"So ngayon, kumbaga, unti-unti ko nang nae-enjoy nang husto, and siyempre hindi naman dun nagtatapos yun, e, nag-e-evolve pa rin continuously."
Pagdating naman sa materyal na bagay, wala na raw mahihiling pa ang aktor.
"Parang ano pa ba mahihiling ko na ano, di ba?" saad niya.
"Kasi mas mahalaga sa akin yung oras, e.
"[If] I could get a wish, it'll be yung magkaroon ng libreng oras."
ON KRIS AQUINO. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na malapit sa isa't isa sina Diether at Kris Aquino.
Naikuwento ng aktor na isa si Kris sa mga unang nag-text sa kanya para batiin siya sa kanyang kaarawan.
Pero ang tanong ng lahat, ano ba ang regalo sa kanya ni Kris?
"Ang hiniling ko sa kanya, tinanong niya ako, sabi niya sa akin, kasi she's leaving 'ata for Bangkok that time.
"So, tinanong niya ako, sabi ko na lang, wala na kong mahihiling pa kundi... Kasi nabalitaan ko nga na nag-donate siya ng dalawang school sa Ormoc, kala Lucy (Torres-Gomez) 'tsaka kay Goma (Richard Gomez).
"So, sabi ko, hindi naman siguro masama na humiling din na makapagpagawa tayo ng training facility ba, or maliit na school para dun sa mga juvenile delinquents, yung mga out-of-school youth, kasi sila yung hindi nabibigyan ng opportunity, e."
Pumayag naman kaya si Kris?
"Yun naman ang tipo ng kaibigan na siya na mismo nagtanong, di ba?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
17 greencardholder
16 happygolucky
15 Blood_Orchid
14 lukaret1
13 fecatada
12 misstoe
11 chantalk
10 creshia
9 nuibi
8 K4rm4
7 dakilangina
6 marikinaRiver
5 kapusoakotalaga
4 fanhan
3 exclusibo
2 kapusoakotalaga
1 ICUM2U