Basta rin lang si Nora Aunor ang pag-uusapan, nangingibabaw kaagad ang pagiging Noranian ng King of Talk na si Boy Abunda. At hindi naman niya itinatanggi na die-hard fan nga siya ng aktres.
Tungkol sa Superstar ang unang naging paksa ng kuwentuhan kagabi, July 21, nang mapasyal ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa SNN (Showbiz News Ngayon), ang showbiz talk show na hinu-host ni Boy Abunda sa ABS-CBN with Bianca Gonzales.
Maingay na naman kasi ang usap-usapan tungkol sa pang-ilang beses nang planong pag-uwi ng Superstar. Ayon sa bali-balita, this week ito darating sa bansa. Tapos biglang sa August na raw.
Pero ayon kay Boy, "Hindi pa talaga siya uuwi.
"Hindi kami direktang nagkakausap lately, pero lagi akong binabalitaan ng mga taong malalapit sa kanya na naroon din sa States.
"Basta sa pagkakaalam ko rin nga, may plano siyang umuwi, pero hindi pa final kung kailan talaga."
Hindi ba niya winu-work out na ma-interview si Ate Guy?
"I'm sure I'll be able to interview Ate Guy. I mean, sigurado ako roon. Hindi ko lang alam kung kailan.
"Ibig kong sabihin... I'm sure naman when she comes back, siguro naman pagbibigyan ako no'n."
Bakit hindi na lang niya puntahan sa U.S. si Nora?
"Dahil nag-aalaga ako ngayon sa Nanay," sagot ni Boy, na ang tintukoy ay ang kanyang Nanay Lesing.
"I will not be able to leave. If there's anything I wanna do, it's not a show. I can leave all my shows. They can all stop today."
HIS MOTHER'S HEALTH CONDITION. Ang sigla at ngiti ni Boy, napalitan ng pagkawala ng kinikimkim niyang lungkot at pangamba hinggil sa kalagayan ngayon ng kanyang ina.
On cam ay puno siya ng buhay at energy habang naghahatid ng mga showbiz news, pero deep inside pala ay sobrang bigat ng kanyang dala-dala.
"I will take care of Nanay who is now... not very well," pagtatapat niya tungkol sa kalagayan ng kanyang ina.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
12 cutegranny
11 kilabotako
10 mistylove2x
9 mistylove2x
8 bessie31
7 prettydoc
6 sillygirl
5 kerie02
4 melody2
3 dlrsenriquez
2 totoysipa
1 rotoscaper