"Actually, pang-fourth ko na ito. Pang-fourth consecutive year ko nang gumagawa ng movie sa Cinemalaya. Kasi sobrang grateful ako na may Cinemalaya, kasi dito nae-express at naipakikita ng mga underground directors at writers lahat ng gusto nilang ipakita," says JM de Guzman.

Photo: Allan Sancon

Umani ng papuri ang Cinemalaya entry na Ang Babae sa Septic Tank sa gala premiere nito noong Martes, July 19, sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Present sa gala premiere ang apat na main stars ng pelikula na sina Eugene Domingo, Kean Cipriano, Cai Cortez, at ang Kapamilya young actor na si JM de Guzman.

Pagkatapos ng showing ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM sa lobby ng CCP.

Hindi ba nagka-conflict sa taping niya ng teleseryeng Mula sa Puso ang shooting niya ng pelikulang ito?

"Medyo nahirapan ako, kasi nga meron akong Mula sa Puso, at the same time, sinu-shoot namin itong movie na ito. Medyo alternate ang schedule."

Pero hindi naman daw siya nahirapan sa paggawa ng pelikulang idinirek ni Marlon Rivera at isinulat ni Chris Martinez.

"Sobrang linaw ng pagkaka-explain sa amin ng story," sabi ni JM.

"Yung mga katrabaho ko rito, madaling katrabaho, so nag-enjoy naman kami.

"At the same time, maganda yung kinalabasan ng pelikula."

Sa pelikula ay ginagampanan ni JM ang role ni Bingbong, isang indie film producer. Ano ang pagkakapareho niya sa karakter na ginagampanan niya sa Ang Babae sa Septic Tank?

"Siguro yung pagiging pursigido niya, pag nag-set siya ng isang goal. Kung ano yung gusto niyang gawin, gagawin niya hanggang sa makuha niya yun," sagot niya.

Is he expecting to win an acting award for this movie?

"Maling mentality yung nag-e-expect ka ng award sa paggawa ng pelikula mo. Dapat gawin mo nang maayos yung trabaho mo.

"Siguro kung may awards man, siguro bonus na lang yun," sabi niya.