Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patrick Garcia pagkatapos niyang mag-guest sa radio program ni German "Kuya Germs" Moreno na Walang Siesta kahapon, July 21.
Kapansin-pansin ang magandnag aura ni Patrick nang makausap namin siya. Ang malaking dahilan daw ng pagiging masaya niya ay ang anak niyang si Alex Jazz.
Si Alex Jazz, who will turn 3 years old next month, ay anak ni Patrick sa dati niyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.
A CHANGED MAN. Ayon sa aktor, iba na ang takbo ng kanyang buhay ngayon.
Kung dati raw ay happy-go-lucky siya, ngayon ay mas gusto na raw niyang magtrabaho nang magtrabaho para sa future ng kanilang baby ni Jennylyn.
"Happy ako kasi iba pala ang feeling kapag may baby ka na, kapag nakakasama mo ang baby mo.
"Lalo na't lumalaki na si Jazz, mas gusto ko siya laging kasama.
"Kung dati ang iniisip ko sarili ko lang, pero ngayon, si Jazz na—kung ano ang maganda sa kanya.
"At mas gusto kong magtrabaho para sa future ng anak ko, hindi na ako katulad ng dati na laging gumigimik.
"Ngayon, pag wala akong trabaho, mas gusto ko yung kasama ko ang anak ko."
Kumusta naman sila ni Jennylyn?
"Mas okey kami ngayon as parents of Jazz, we're friends," sagot ni Patrick.
"Everytime that we talk, it's about Jazz, kung anong kailangan niya.
"And now he's going to school. Para pag nasa regular school, madali na."
May say ba siya sa pagpili ng school na papapasukan ni AJ?




0

