Ruffa Gutierrez on Yilmaz Bektas: "Nagsalita na ako once, eto yung totoong nangyari. I don't want to keep pushing his button also."

Rey Pumaloy
Friday, July 22, 2011 @ 04:41PM  |  209757 views

 

 

"I just hope na we'll come to terms with kung ano ang gusto niya.  What makes him happy, what makes me happy, and what's best for the kids. Para sa akin sana matapos siya nang maayos, nang walang masasaktan," says Ruffa Gutierrez about estranged husband Yilmaz Bektas.

Photo By: Allan Sancon













Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Ruffa Gutierrez na mababalik sa kanya ang nawaglit na anim na pares ng mamahaling sapatos ng kanyang personal assistant na si Jimmy sa isang taxi na minamaneho ni Ariel Dalangin. (CLICK HERE to read related story.)

"It's really nakakagulat na meron pa ring mabubuting tao na gaya ni Mr. Ariel, yung taxi driver, nagsauli pa ng sapatos. 

"Akala ko talaga wala na, e. Sige, okey na yun. I'm sure mas maraming magagandang kapalit," namamanghang lahad ni Ruffa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa kahapon, July 21, sa Imperial Palace Suites para sa ipinatawag niyang presscon para sa bubuuing Bazaar for a Cause na pinamagatang "Ruffa's Red Carpet." Gagawin ito sa August 19 at 20 sa Newport Mall, Resorts World Manila sa Pasay City.

"But you know," dugtong niya, "sinagot ng Diyos ang mga prayers ni Jimmy at hindi pinatulog lahat ng buong staff, pati si Jun Lalin. 

"Ayan, the next day, we got a call at isinauli.

"Hindi naman tungkol sa sapatos ito, tungkol ito sa isang tao na, imagine, ang daming nawawala sa taxi—cell phone, bags—pero hindi naman naisasauli.

"But imagine, six shoes isinauli at ipinadala pa sa radio station!"

Totoo bang more than $7,000 ang halaga ng anim na sapatos?

"Huwag na nating pag-usapan ang presyo!" tanggi niyang kumpirmahin.

Half a million pesos daw ang kabuuang halaga ng mga shoes?

"Hindi, less than that," sabi ni Ruffa.

"I don't wanna talk about the price kasi mawawala naman yung magandang ginawa ni Mr. Ariel. 

"And I really wish na tularan siya ng ibang mga tao."

Tanggap na raw talaga ni Ruffa na nawala ang mga sapatos niya kung sakaling hindi ito naibalik sa kanya.

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

Related Articles

55 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name