Sabay dumating sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo sa Diether Ocampo Golf Cup Drive Fore the Youth sa Tagaytay Highlands, Tagaytay City noong Huwebes, July 21.
Galing si Bea sa taping ng Guns and Roses at sinasabing wala pa siya halos tulog. But with Zanjoe beside her, di mo makikitaan ng antok ang rumored girlfriend ng binata.
Sa naunang interview namin with Zanjoe, inamin nitong si Bea nga ang nakakapagpasaya sa kanya.
"O, tama!" natatawang pagsang-ayon naman ng dalaga.
"Confident," hagikhik pa nito.
So, ano ang ibig sabihin ng statement ni Zanjoe at sagot niya?
"I don't know," sabi naman ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.
"What you see is what you get. I mean, we enjoy being together.
"I mean, siguro wala naman kaming dapat ipaliwanag. Parang kung nasaan kami ngayon, masayang-masaya kami.
"Ako, marami akong nadi-discover about him. At marami din siyang itinuturo sa akin.
"And nakakatuwa kasi hindi kami nagiging hindrance sa paggu-grow ng isa't isa."
So, ano na lang ang kulang sa kanilang samahan?
"Ano bang kulang? Wala naming kulang. Kumpleto naman. Masaya naman," sabi ng young actress.
So, it's safe to assume na sila na?
"Ay, assuming lang kayo!" tawa niya. "Assuming lang kayo do'n. Why would you want to assume?




0

