Hubert Webb goes back to school; wants his life story made into a movie

Ruben Marasigan
Saturday, July 23, 2011 @ 03:40PM  |  24352 views

Hubert Webb (above) confirms that Donna Villa and director Carlo J. Caparas talked to him about the possibility of making his life story into a movie.

"Yeah!  I heard.  Way before... they asked me.  Way, way back," Hubert says. But the showbiz couple have yet to contact him.

 

 

Photo By: Lino Santos













Nagulat ang lahat sa pagsulpot ni Hubert Webb sa birthday party kagabi ng entertainment columnist at TV host na si Cristy Fermin na ginanap sa Zirkoh sa Tomas Morato, Quezon City.

Matapos kasi siyang mapawalang-sala bilang isa sa mga suspek sa Vizconde massacre, inakala ng marami na naging anti-social na siya at ayaw nang maglalabas.  Fifteen years din kasi siyang nakulong kaya siyempre, hindi maiaalis na manibago ang anak ni dating Senador Freddie Webb sa takbo ng buhay sa labas ngayong laya na siya.

Halatang medyo naiilang si  Hubert nang lapitan ng Pep.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media para ma-interview.  Hindi sa ayaw, kundi talagang naninibago lang siya siguro.

Unang nausisa sa kanya 'yong tungkol sa pagsasa-pelikula ng life story niya.  Hindi pala aware si Hubert na may napapabalitang gano'n.

"Wala pa," aniya.  " Sana nga merong mag-offer kasi kailangan ko ng ano... e," pera ang ibig niyang tukuyin.

Pero di ba dati, nagpahayag na ng interes ang mag-asawang Donna Villa at Direk Carlo Caparas sa pagsasapelikula ng buhay niya?

"Yeah!  I heard.  Way before... they asked me.  Way, way back."

So what happened?

"I don't know.  They haven't contacted me yet, e."

But he welcomes the idea ng pagsasapelikula ng kanyang life story?

"Of course!  Bakit hindi?

"Maganda na malaman ng mga tao talaga kung ano ang situwasyon natin dito.  Kung ano ang naging buhay ko.  Kung ano 'yong mga dinanas ko."

Kumusta na ba ang takbo ng buhay niya?  Bumabalik na ba sa normal?

"Oo.  I'm going to school na.

"I'm learning about cars... mekaniko.  After that, hopefully, if I do well, I'd probably open my own shop.  Di ba?   Kasi since before pa, iyon ang gusto ko."

1  2  Next »

Related Articles

59 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name