Unang pelikula ni Rocco Nacino ang isa sa mga entry sa Cinemalaya 2011, ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Kasama niya rito ang isa pang Kapuso young actor na si Paulo Avelino at ang seasoned actress na si Jean Garcia.
Masaya si Rocco dahil maraming nanood sa gala night ng pelikula nila sa CCP Main Theater kagabi, July 22.
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na makausap ang young actor after the screening bago ito magbalik sa taping ng kanyang danserye sa GMA-7, ang Time of My Life.
Nakangiti ngang pahayag ni Roco, "Punong-puno ang CCP theater kaya masayang-masaya po ako!"
First time din daw niyang gumanap sa isang homosexual role.
Humingi nga siya ng advice sa kanilang direktor na si Alvin Yapan kung paano niya ito mapo-portray nang natural.
"Mahirap na maging natural, kaya kinausap ko si Direk. [Nag] one-on-one workshop kami.
"At pati sa sayaw, mahirap din. Ballet yun, e, jazz, contemporary kaya back to basics kami.
"And since sanay ako sa hip-hop, iba talaga siya, ibang field of dancing siya. It took me three weeks to prepare for the dance."
Tinanong din ng PEP si Rocco kung nag-usap sila ni Paulo bago mag-shoot ng eksena para mawala ang ilangan sa kanila.
"Opo, nag-usap po kami," sagot ng StarStruck V alumnus.
"Pero pagdating sa shooting, wala rin e, nagkaroon din ng ilangan. Pero after two or three takes, naging okay na rin po kami sa isa'tisa."
Dugtong pa niya, "At first, talagang nahirapan din. Pero after two or three shooting days, naging madali na ang lahat.
"Lahat ng tao sa set, naging very accommodating. Very light lang din sa set kaya naging madali na lang para sa amin ang umarte, naging natural na lahat."
Habang ginagawa nila ang pelikula, alam na niyang puwedeng magkaroon ng misconception ang tao about the movie. But he is happy with the final product.
Aniya, "I'm proud of this film. It shows the third sex na hindi kailangan ng profanity, hindi kailangan ng sexual intercourse.




0

