Dra. Vicki Belo says it is Hayden Kho who wants a pre-nuptial agreement

Gorgy Rula
Monday, July 25, 2011 @ 03:04PM  |  36962 views

 

"Matagal na niyang sinasabi yun, e. Kasi ang ayaw niya na everybody thinks na he's asking for money, so gusto niyang tapos na ang question na yun," says Dra. Vicki Belo about Hayden Kho's decision for them to have a pre-nuptial agreement.

Photo By: Sany Chua













Magkasamang umalis kahapon, July 24, patungong Amerika ang magkasintahang Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Pero nakausap muna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dra. Belo sa gala premiere ng Rakenrol ng anak niyang si Quark Henares, na ginanap sa Main Theater ng Cultural Center of the Philippines noong nakaraang Sabado, July 23.

Ayon kay Dra. Belo, isa sa pakay ng kanilang biyahe ay maghahanap sila ng lugar na pagdadausan ng kanilang kasal.

Pagkatapos ng engagement, pinag-uusapan na nga nila ang tungkol sa kasal.

Hindi raw ngayong taon kundi sa susunod pa, pero hindi pa masasabi ni Dra. Belo ang eksaktong petsa.

"Naghahanap kami ng place na very private, very personal and very exciting," pakli ni Dra. Belo.

Pagkatapos sa Amerika, tutuloy raw sila sa Peru dahil pupuntahan daw nila ang Machu Picchu na isa sa paborito nilang puntahan.

Isa yun sa kinu-consider nila na pagdausan ng kasal, pero hindi pa masasabi ni Dra. Belo kung saan talaga.

Ang tiyak, hindi rito sa Pilipinas.

Ang gusto lang daw talaga nila ay very private ito na kung saan makakasama lang nila ang pamilya at malalapit na kaibigan.

HER CHILDREN. Kahit sinasabi ng dalawa niyang anak na suportado nila ang kanilang ina dito, aminado si Dra. Belo na hindi pa ito natatanggap ng anak niyang si Cristalle.

"Si Cristalle talaga, wala pa. Hindi pa ako naka-breakthrough diyan.

"Pero I'm sure, if we pray hard enough, mangyayari yun," sabi ni Dra. Belo.

"I'm hoping kasi... of course, I want everybody to be happy.

"It's hard to have negative feelings in a relationship like this, and we're such a very close family.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

61 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name