"Feeling ko lang, may kulang pa sa career ko. Mas marami pa ako kailangang ma-achieve. I can still keep going. Siyempre, gusto ko talaga maging fluent sa Tagalog... I wanna be pushed talaga sa singing. Puwede rin sa acting. Basta I wanna be there, be busy," says Steven Silva.

Photo: Noel Orsal

"Parang boy toy lang ako," medyo natatawang paglalarawan ng young actor na si Steven Silva sa role niya bilang boyfriend ni LJ Reyes sa danserye ng GMA-7 na Time of My Life.

Na-experience niya na bang maging boy toy ng mga nakarelasyon niya before?

"Hindi naman ng ganitong level.

"Pero siyempre minsan, pag may girlfriend ka, or may boyfriend ka, pumapayag ka sa mga bagay na hindi mo talaga gusto.

"Pero so far naman, ayos yung mga relasyon ko," sabi ni Steven sa one-on-one interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng Time of My Life last Tuesday night, July 26, sa Studio 6 ng GMA Network.

Paano kung in love na in love siya sa babae? Will he do everything for her?

"Oo, I think, yeah," sagot niya.

"Pag in love ka talaga, kahit ano, you'll do everything.

"Pero sa akin, hindi pa ganung level yung mga relationships ko, na I would do everything and anything na ganun.

"Wala naman akong relasyon na super under ako, gano'n."

How many relationships have he had?

"So far, tatlo pa lang."

Meron ba siyang karelasyon ngayon?

"Wala, wala naman."

Ano na ang nangyari sa kanila ng na-link sa kanya at ka-batch niya sa StarStruck na si Diva Montelaba? Hindi ba ito nag-prosper?