"Hindi naman ibig sabihin na support lang, e, pangit. Hindi makikilala masyado ang bida kung walang support!" says Ryza Cenon about her role in Time of My Life.

 

 

Photo: Noel Orsal

Bilang si Rochelle, mabait ang role ni Ryza Cenon sa danserye ng GMA-7 na Time of My Life.

 

"Oo, mysterious ako dito. Pag sa unang tingin, akala mo salbahe ako pero mabait ako," paglalarawan ni Ryza sa kanyang role.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pinakabagong show na ito ng GMA-7 na mapapanood na sa Lunes ng gabi, August 1.

Hindi ba siya nag-wish na siya sana ang bida dahil mahusay siyang magsayaw bilang "Bad Girl of the Dance Floor"?

"Hindi naman, hindi naman," sabi niya.

"Yung the whole story is hindi naman puro sayaw, may drama rin."

Si Kris Bernal (bilang Shane) ang female lead ng naturang danserye with leading men Mark Herras (as Patrick) and Rocco Nacino (as Jason).

Wala ring problema kay Ryza na matapos magbida ay support lamang siya rito bilang best friend ni Kris.

"Okay naman po kasi naman po wala naman akong pinipiling...  kung dahil nag-ano na ako, nag-Machete na ako, tapos biglang bababa, hindi po.

"Sa role ko kasi, kumbaga, iba naman, ibang Ryza Cenon naman po ang makikilala nila.

"Hindi na siya yung laging galit, laging sumisigaw.

"Ito naman laging masaya lang, dancing," saad niya.

Kaya enjoy raw siya sa kanyang role.

"Oo naman po! Enjoy naman po ako.

"Hindi naman ibig sabihin na support lang, e, pangit.

"Hindi makikilala masyado ang bida kung walang support!" tawa niya.