Pagkatapos niyang mai-launch ng ABS-CBN sa Sabel, kumpirmado na isang serye katambal si Gerald Anderson ang sinisimulang gawin ngayon ni Jessy Mendiola.
Agad namang lumabas ang mga balita na nakakatanggap na raw ng threats ang young actress galing sa mga Kimerald fans na galit na galit at nagbabanta raw kay Jessy.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jessy last Sunday, July 24, in ASAP Rocks, tinanong namin siya kung patuloy pa rin ba siyang nakakatangap ng mga banta galing sa Kimerald fans.
"Mayroon pa rin, pero kaunti na lang saka di ko na tinitingnan... Hindi naman siya threats exactly—haters.
"Parang ine-experess lang nila yung nararamdaman nila. Walang pagbabanta, pero may mga masasakit na salita like, 'Mas magaling si Ganyan. Mas bagay si Ganito kay Ganyan.'
"Okay lang naman. Kasi, siguro hindi nila matanggap na hiwalay na ngayon yung loveteam.
"Pero, hindi ko sinasabi na lahat sila ganun. Kasi may mga fans din naman na uber support sila. May mga accounts na nakalagay dun Kimerald Global, tapos 'Go, go Jessy.'
"Di ko na lang talaga pinapansin yung iba. Pero gusto kong sagutin yung mga positive.
"Yung mga nagsasabing, 'You can do it. Bagay kayo.' Pero dun sa mga ayaw, di ko na lang ipipilit."
Hindi kaya napi-pressure si Jessy dahil naging very successful ang tambalang Kim-Gerald at ngayon ay ipinapareha sa kanya ang young actor?
"Kinakabahan ako kasi nanggaling si Gerald sa isang napakagandang loveteam. May pressure din na sana yung loveteam namin, maging okay din.
"But I guess as individual artists, mas maganda rin yung solo-solo, tapos magsasama kami and magugustuhan nila kami," sabi niya.
Ano bang klaseng leading man si Gerald?
"Happy and honored ako na ako ang napili ng management na maka-partner niya.
"Maalaga si Gerald saka gentleman. Mabait siya, guwapo."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
23 kilabotako
22 kilabotako
21 alexis2222
20 pepers
19 oskieness
18 champoikun
17 song751
16 song751
15 ichigo510
14 global2010
13 rbe6599
12 global2010
11 nicola88
10 nicola88
9 nicola88
8 crystalwhite
7 AprilXOXO
6 pantas_uno
5 gorgeous_aleck
4 lovelylin
more comments