"Kinakabahan ako kasi nanggaling si Gerald sa isang napakagandang loveteam. May pressure din na sana yung loveteam namin, maging okay din," says Jessy Mendiola about her first team-up with Gerald Anderson.

Photo: Noel Orsal

"Maalaga si Gerald saka gentleman. Mabait siya, guwapo."

Crush ba niya ito, lalo't marami sa mga artistang babae sa ngayon ang humahanga sa young actor?

"Crush?  Hindi, e. Nung una ko talagang nakilala si Gerald, 'Ay, ang bait naman niya.'

"Pero hindi ko siya nakikita as super magiging kami. Ang bilis naman nun."

JUST FRIENDS. Na-link si Jessy sa Mula Sa Puso actor na si JM de Guzman. Patuloy pa rin ba ang communication nila ng binata?

"Nag-meet lang kami before sa [set ng] Banana Split, but now hindi na kami nag-uusap.  

"Busy siya siguro sa work. And ako, ayoko muna talagang mag-boyfriend.

"Sinabi ko talaga sa kanya na ayoko munang mag-boyfriend. Sabi niya, 'O sige, friends na muna tayo.' Ganun.

"Hindi ko nga alam kung nanligaw talaga siya. Hindi naman nanligaw. Nakipag-friends lang kasi the same kami ng friends."

LIKE ANGEL  LOCSIN. Balita rin na isang member ng Azkals ang nag-open daw na crush niya si Jessy—si Paolo Pascual. Hindi naman itinago ng aktres na nakapagpalitan na sila ng tweets ng nasabing Azkals player.

"Hindi ko pa siya nami-meet in person. Pero sinabi ng friends ko, 'Oy, binanggit ka ni Paolo.' Nakita ko na siya sa picture.  

"Definitely I'm very, very flattered nung sinabi nila na crush daw ako ng taga-Azkals.  

"Twineet nga ako ni Paolo... 'Hello Jessy,' in-invite niya ako sa games nila.

"Siyempre, may mga pagkakataon na may trabaho. Sinabi ko naman, 'Thank you for inviting me.'

"Siyempre nag-explain ako. Alangan namang isnabin ko siya sa Twitter."