Certified No. 1 box office hit ang Ang Babae sa Septic Tank ni Direk Marlon Rivera, mula sa panulat ni Chris Martinez starring Eugene Domingo sa nakaraang 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.
Sa lahat ng screenings ng pelikula ay mabilis na-sold out ang tickets noong July 15-23 run nito sa Cultural Center of the Philippines at ganoon din sa Greenbelt 3 Cinemas. Ito ang first time nakipag-tie up ang isang commercial theater sa Cinemalaya.
Next year naman daw ay kasama na ang Gateway Cinemas, ayon kay Mr. Nestor Jardin, Cinemalaya festival director.
Muling ipinalabas ang Ang Babae sa Septic Tank sa U.P. Film Institute, U.P. Diliman, Quezon City, noong July 26.
Maraming mga tao ang hindi na-accommodate ng nasabing teatro kaya nagsiuwi na lamang. Hindi lamang blockbuster ang pelikula, isa rin itong critically-acclaimed film.
Humakot ito ng limang trophies sa Cinemalaya awards night noong July 24 (New Breed category); best film, best director for Direk Marlon, best actress for Eugene, best screenplay for Chris, at Audience Choice Award.
Bago pa man naganap ang awarding ceremonies noong gabing yun ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa main lobby ng CCP ang man of the hour na si Direk Marlon Rivera.
Si Direk Marlon ay galing ng teatro at isa ring TV commercial director for some years now, bago pa naging ganap na indie filmmaker.
Ano'ng feeling niya na first movie niya ever ang Ang Babae Sa Septic Tank, and yet mainit na tinanggap ng publiko?
"Una, siyempre, proud na proud ako. Kasi, di ba, di naman gano'n kadaling ma-pick up [mabenta] yun [movie niya].
"Of course, ang dahilan niyan ay dahil naman sa materyales at si Eugene Domingo kaya nagkaroon ng chance ang pelikula to pick-up commercially," masayang simula ni Direk Marlon .
Ang pelikula ay produced by Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, Martinez-Rivera Films at Straight Shooters, kaya co-producer din nito si Direk Marlon.
PROUD AND RELIEVED. Dahil sa tagumpay ng pelikula, ito ay iri-release ng Star Cinema ng ABS-CBN upang magkaroon ng commercial run starting August 3, 2011 sa mga sinehan sa buong Pilipinas.
"Siyempre, kailangan din naming makabawi. Kasi, malaki rin ang ginastos namin dito," pag-amin ni Direk Marlon.
"That's why I'm very proud and I'm very relieved. Dahil tinanggap siya ng mga tao.
"So, trabaho pa rin kami dahil one week lang ang preparation for the August 3 commercial run. [We have to prepare] posters, trailers.




0

