news

Cinemalaya juror Mario O'Hara cool about complaints from screenwriters; excited to direct Nora Aunor in mini-serye

by William Reyes posted on July 30, 2011  STATS: 512 Views | 15 Comments

Nagreklamo ang ilang mga screenwriters dahil walang ibinigay na parangal ang Cinemalaya Filmfest Awards, noong July 24, para sa mga kategoryang Best Screenplay at Special Jury Prize, sa mga entries ng Directors' Showcase.

Cinemalaya juror Mario O'Hara says: "Mabuti naman, may reaction na ganyan.  Malaya tayong nakakapagpahayag. Pero hindi ako puwedeng magsalita tungkol diyan, dahil isa lang ako sa mga hurado... Wala namang kumakausap sa akin; walang pormal na reklamo.  Kung kakausapin ako, lilinawin ko sa kanila."

 

Photo By: Jocelyn Dimaculangan

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang award-winning filmmaker na si Mario O'Hara noong Miyerkules ng gabi, July 27, sa tahanan ng mga O'Hara, sa Bangkal, Makati City.

Ang pakay ng PEP ay upang hingan ng komento si Direk Mario tungkol sa napaulat na reklamo ng isang grupo ng mga screenwriters na kasali sa mga naging entries sa Directors' Showcase category ng nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Ang reklamo ng mga ito ay sa dahilang walang ibinigay na parangal ang Cinemalaya Filmfest Awards noong July 24 para sa mga kategoryang Best Screenplay at Special Jury Prize sa mga entries ng Directors' Showcase.


Walang pormal na inihaing reklamo ang mga screenwriters, kabilang sina Jerry Gracio, may akda ng screenplay ng Isda (Fable of the Fish); Paul Sta. Ana  ng Bisperas (Intruders); Kristoffer Brugada ng Patikul; at Auraeus Solito at Henry Burgos ng Busong (Palawan Fate).

Pero may mga pahayag sila na nagrereklamo laban sa mga hurado, kundi man nagpu-point out ng saloobin at isipan sa naging desisyon na napalathala sa isang pahayagan.

Kabilang si Mario O'Hara sa Cinemalaya Jury sa taong ito.  

Kasama niya ang kapwa-premyadong writer-director na si Clodualdo "Doy" Del Mundo, Jr.; National Artist for Theater Design Salvador Bernal (Jury Head); Jacob Wong, festival director of Hong Kong International Filmfest; at Jean-Marc Therouanne, isang Pranses, na co-founder at CEO ng Vesoul International Filmfest of Asian Cinema sa France.

WRITERS' COMPLAINTS. Dahil walang Best Screenplay (at Special Jury Prize) awards sa Directors' Showcase category ng Cinemalaya 2011, ang mga nabanggit na screenwriters ay nag-voice out ng kanilang "informal protest."

"Films that get accepted to Cinemalaya are not ready-made. When you don't hand out this award, it's similar to saying all the scripts in this category are trash," pahayag ni Jerry Gracio. 

Ayon naman kay Paul Sta. Ana, ang naging desisyon ng Cinemalaya jurors ay "weird and surprising."

Dagdag pa niya, "The basic structure of a film is based on its screenplay. The characters in the film are roles written in a screenplay. The story didn't come from the director but from me [the screenwriter]."


Pahayag naman ni Kritstoffer Brugada, "We all deserve an explanation. This is surprising, not just for me who joined the festival for the first time, but also for those who have been part of it for many years."

May pansarili mang opinyon, tanging si Auraeus Solito ang nagsalita "for the jurors."

Solito considers local jury members Mario O'Hara and Doy Del Mundo, Jr. "both masters of their craft."

Sa kanyang opinyon, sina O'Hara at Del Mundo ay nananangan pa rin sa mga akdang "very structured and well-written."

Ani Solito, "It's the 21st century; we must learn to evolve... [so as not to] be left behind."

Bago ganapin ang Cinemalaya Filmfest ay katatapos lamang dumalo ni Auraeus sa isang screenplay development program sa Binger Film Lab sa Amsterdam, Holland.

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  kilabotako

    08/02/2011 | 02:18 AM
    we need brilliant,young,decent,proffesional,maayos,at magaling mag mix ng genres ng movies,..yan ang need natin sa directors ,,.kase halos lahat ng directors ang alam gawin yata lovestory o horror na iisa ang tema,ang title ng movie hango sa kanta,wahahah..ano bayan!!.kaya naman natin gumawa ng movies na mala hollywood kahit hindi ganun kalaki ang budget diba,.basta ok ang casting at interesting ito,about NORA AUNOR-sana isama si ROSANA ROCES,JOSEPH BITANGCOL,COGIE DOMINGO,TANYA GARCIA,EDWARD MENDEZ,JON AVILA,WILL DEVAUGHN,KAYE ABAD,DIANA ZUBIRI,JAKCIE FORSTER,FRANCINE PRIETO,JC PARKER sa casting plsss..gudluck,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  bogart29

    07/31/2011 | 02:08 PM
    kahintay-hintay ang mga dramang ito na sana matupad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  lotwina

    07/31/2011 | 01:27 PM
    Tiyak na maiinsecure na naman dito si vilma santos at yung mga fans nya dahil makikita nila na mas magaling talaga umarte si nora kesa kay vilma ng milya milya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  marites_devera

    07/31/2011 | 01:05 PM
    Super excited na talaga ako sa mga gagawing projects ni Ate Guy!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  HornBlower

    07/31/2011 | 04:26 AM
    I LOVE this Team.....Nora Aunor and Mario O'Hara...Love You Guys...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  switnshai4ever

    07/31/2011 | 12:28 AM
    i love ms. nora aunor
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • karkinieoi

    07/30/2011 | 10:12 PM
    ni research ko sa wikipedia . kakatakot naman pala ang award at accolades nitong si Ms. Nora.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Ligayaparaiso2011

    07/30/2011 | 09:35 PM
    Di ba gumanap na si Nora Aunor bilang mayaman sa "Bilangin Ang Bituin Sa Langit" ni Elwood Perez?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • karkinieoi

    07/30/2011 | 09:03 PM
    Hindi ako Noranian, pero bilang kapwa tao, wish ko kay Ms. Nora ay sana ma-e-redeem nia yung sarili nia, as a human being, via her brilliance as an actress. Lahat naman tayo nagkakamali, nadadapa, but for as long as hindi tayo nang aapak ng iba, deserving tayong magkaroon ng chance na matulungang maka ahon. Kung ano mang nagawang masama o pangit ng ating kapwa o ini idolo, wag nalang nating gayahin. Pero, wag din tayong judgmental at vindictive dahil hindi naman natin alam kung ano yung mga pinag dadaanan nung kapwa natin. Kay Ms. Nora, sana makita ko siyang maka ahon muli. Para bang the rise, fall and rise nia. Sa pagkakataong ito, sana mag ipon sia, ayusin na nia buhay nia, ma- stable na yung finances nia then mag retire sia while on top, hindi yung mag retire siyang parang walang dangal. Sa naging contribution nia sa larangan ng pelikula, at sa mga parangal at respetong inani ng Pilipinas dahil sa mga pelikula nia gaya ng Himala, karapat dapat lang siyang tanggapin muli.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ike

    07/30/2011 | 07:10 PM
    Mukhang maganda ang Donya Negra at mas maganda kasi mayaman si Ate Guy dito na loyal sa namatay na asawa. Sana maipakita ng series na ito ang mahahalangang aral sa buhay dahil uso ngayon yong nakakapulot ng aral ang mga manonood at hindi yong sobrang pang aapi ng kontrabida sa bida.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • napazu7

    07/30/2011 | 05:47 PM
    Yes, that's the difference between Nora and Vilma. Nora is considered to star in more prominent films while Vilma today is more in doing sure box-office films to ensure career stability...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Clara Pastor

    07/30/2011 | 05:03 PM
    iba pa rin talaga si guy,hindi pipitsugin kung gagawa man uli ng movie kahit indie films pa yun with mario o'hara tyak the best.cgurado na kayang darating sya.with this good oppurtunity,wag na nyang bitiwan pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rickydave

    07/30/2011 | 03:04 PM
    Maraming masterpiece ang Mario O'Hara-Nora Aunor teamup. Tatlong Taong Walang Diyos, Kastilyong Buhangin, Bakit Bughaw ang Langit, Condenmed at Bulaklak sa City Jail. Exciting ang Donya Negra at Luna Rosa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • rickydave

    07/30/2011 | 03:03 PM
    Nora Aunor won't go wrong with Mario O'Hara. Sana di na magdalawang-isip si Ate Guy sa Luna Rosa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kritikongpinoy

    07/30/2011 | 02:49 PM
    Mario O'Hara is one of the finest directors in the Philippines, low profile and yet well-respected. He is also an award-winning actor both in movies and stage.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About