Maipagmamalaki ni Eugene Domingo Ang Babae sa Septic Tank.  Nanalo siya dito ng Best Actress — a first for a comedy role sa Cinemalaya.

"This is such a wonderful surprise. Kasi, ang inaasam lang namin ay audience choice. Yung wish lang namin ay talagang maraming manood dahil ika nga, bakit ka pa gumawa ng pelikula kung kayo-kayo rin lang ang makakapanood?  So, ako'y natutuwa at pinilahan siya," she says.

 

 

Photo: Noel Orsal

Maraming "firsts" na naitatala ang indie film, Ang Babae Sa Septic Tank, na isa sa mga naging entry sa Directors' Showcase category ng Cinemalaya.

Ang nasabing pelikula ang isa sa mga humakot ng maraming awards.

Naiuwi ni Eugene Domingo ang Best Actress trophy (a first for a comedy role in Cinemalaya), Best Director para kay Marlon Rivera, Best Screenplay for Chris Martinez. Nanalo din ito ng  Audience Choice Award at Best Film Award.

Box office hit rin ang halos lahat ng screenings ng movie sa buong duration ng Cinemalaya kunsaan, nagkaroon pa ito ng additional screening sa huling araw. And for the record,  Ang Babae Sa Septic Tank din ang kauna-unahang entry sa Cinemalaya na after a week or two lang halos ay maipapalabas na sa commercial theaters starting on August 3.

During the press conference yesterday sa Dolphy Theater, kunsaan, in-announce na ang Star Cinema ang magdi-distribute ng film sa mga commercial theaters, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eugene if she ever dreamed na one day, magiging ganito pala siyang kasikat na artista?

"Honest to goodness, hindi po. Hindi po ako nag-isip na gusto ko, isang araw, nandito kayong lahat, pini-piktyuran niyo ko, tinututukan niyo ako ng camera, hindi ko po naisip 'yun," ang saad ni Eugene na nag-umpisa sa teatro.

"Ang gusto ko lang talaga, maka-trabaho ko yung mga hinahangaan ko.  Ang gusto ko lang talaga, mabigyan ako ng mga papel na mahirap or masarap gampanan.  Ginagaya ko nga lahat ng mga artistang napapanood ko sa TV, e.

"Yun ang mga laro ko sa bahay. Iyak-iyakan, komedi-komedihan kahit ako lang mag-isa. So, natuwa ako na may kurso palang theater arts.

"The first time I saw a legitimate play at the CCP, I knew already na ganyan ang gusto kong buhay. I want to be an actress on stage and then eventually, dahil nga hindi naman kami mayaman, nakapag-extra ako sa pelikula. Mga kaibigan ko rin ang nagdala sa akin ro'n. 

"Hindi ko inasahan na aabot po talaga ako sa ganito kaningning kung saan man ako naroroon.

"I just want to make beautiful things. I just want to commit to being an actress."

Natawa naman ang lahat nang isagot ni Uge na mas nahihirapan siya sa presscon kesa umarte sa pelikula or sa telebisyon.

"Sa totoo lang, lahat ng artista, kinakabahan sa presscon. Mukha lang hindi. Pero sa totoo lang, nakakaba po na humarap sa inyo. Kasi, hindi mo ito napag-aaralan, hindi mo ito naiaarte.

"What you see is what you get. So, kumpara sa TV at pelikula, ibang medium lang 'yan but I am just very fortunate that I came from theater, so, nag-a-adjust ka pa rin.

"But both film and TV are very rewarding if you're committed to be an actress kasi lahat 'yan, may maitutulong sa 'yo."