Sarah Lahbati says she has no plans to join a beauty contest: "Gusto ko po maging actress talaga, yung one day magkaka-award."

Rommel L. Gonzales
Saturday, July 30, 2011 @ 07:09PM  |  283 views

Sarah Lahbati wants to debunk the myth that mestizas cannot act.

"Yung bang pag may makita silang mestiza, ang iniisip nila hindi marunong umarte. Gusto ko lang matapos yung ano na  yun na parang the usual thing that's happening before... Gusto ko patunayan... hindi naman patunayan, I have nothing to prove... I just want to entertain the viewers and I want to show what I have in me," she says.

Photo By: Courtesy of GMA-7













Kapuso star si Sarah Lahbati pero may mga kaibigan siyang Kapamilya stars.

"Yung sa mga young stars po, super-close ko si Lauren Young, yung guys ng The Vibe, sina Enrique [Gil], si Aaron Villaflor," bungad na pahayag ni Sarah nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)  sa presscon ng Time Of My Life, GMA-7's new danserye.

Paaano niya nakikilala at naging close ang mga taga-kabila?

"Pag may common events, yung mga sponsors namin, di ba?"

Nilinaw ni Sarah ang tsikang isa sa mga nanliligaw sa kanya si Aaron, hindi daw.

"Hindi naman po."

Ayaw ba niya sa mga nanliligaw sa kanya?

"Siyempre alam nila na sobrang workaholic ako, na sobrang focused ako sa career ko. Pero that doesn't mean I'm closing my doors when it comes to those kinds of things."

Sa GMA daw ay walang nanliligaw kay Sarah.

"Siguro kasi sa GMA di ba halos araw-araw nagkikita kami,  nagkakasawaan na," natatawang sinabi niya.

Ano ang reaction ni Sarah na ang dating nali-link sa kanyang si Enzo Pineda ay masugid na nanliligaw ngayon sa tween star na si Louise delos Reyes?

"Ah well... for me I guess as long as happy si Enzo since super close ako sa kanya as long as nakikita ko siyang smile nang smile, iyon ang importante para sa akin and kung malungkot man siya or kailangan niya ng kaibigan nandito lang naman ako for him."

Sinabi ba sa kanya ni Enzo na manliligaw ito kay Louise?

"Nagkukuwento po siya noon, nung nililigawan niya siya."

Close ba sina Sarah at Louise?

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

33 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name