Is Aaron Villaflor ready to bare his body for a role?

"Yes naman!  It's time na rin.  I just turned 21 last July 5.  Going to adulthood na tayo... Willing naman ako, paghahandaan natin yan.  Kaya kami sa set [ng Maria La Del Barrio] talaga, nakalimit yung rice namin.  Minsan, hindi na kami kumakain ng kanin para lang maging fit. Kasi yun ang goal namin, lalo na sa teleseryeng ito," he says.

 

Photo: Nica Tomines

Isa sa mga rebelasyong nagpamula sa mukha at nagpa-concious kay Aaron Villaflor sa nakaraang presscon ng bagong serye ng ABS-CBN 2, ang Pinoy adaptation ng Mexicanovela na Maria La Del Barrio, ay ang pahayag ng lead actress na si Erich Gonzales na hindi siya pinapansin ng aktor noon.

Ang tinutukoy ni Erich ay noong magkasama pa lang sila sa Star Circle Quest bilang finalists.

Nabanggit kasi sa presscon ni Aaron na apat na taon na siyang walang girlfriend.  Natukso si Aaron kay Erich na wala ring boyfriend sa kasalukuyan. 

Ibinuko naman ni Jake Roxas, na kasama rin sa cast, na namangha si Aaron sa ganda ni Erich nang makita niya ito sa kabilang dressing room.

Nang marinig ito ni Erich, tinukso niya ang aktor at sinabing hindi siya nito pinapansin noon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aaron, pinatotohanan niya na hindi talaga niya pinapansin si Erich noong magkasama pa sila sa SCQ.

"To be honest, may girlfriend kasi ako nung time na yun, SCQ days," simula niyang kuwento.

"Everytime na kinakausap ako ni Erich — naguusap kami pero yung atensyon ko sa kanya parang nawawala dahil may girlfriend ako noon.

"Pero hindi natin alam," ang tinutukoy nito ay ang posibilidad na ligawan niya ang young actress.

Kung pagbabasehan ang takbo ng friendship nina Aaron at Erich, masasabi ng aktor na mas malapit sila sa isa't-isa ngayon dahil na rin sa madalas nilang pagkikita sa taping ng Maria La Del Barrio na pinagbibidahan rin ni Enchong Dee.

"Actually, mas close kami ngayon.  Kasi nga sobrang tagal na nung panahong nagkasama sa SCQ.  Pero ngayon mas nagkakausap kami, nagkakamustahan kami.  Kumbaga, yung communication namin madalas," paliwanag niya.

Nataranta rin raw si Aaron sa rebelasyon ni Erich dahil sa harap-harapan nitong rebelasyon tungkol sa pambabalewala nito sa kanya. 

Aniya, nalaman tuloy nang lahat na parang hindi siya interesado sa aktres noon.

"Iba kasi talaga noon e.  Siyempre, naka-focus ako sa girlfriend ko.  Pero ngayon, mas may time na ako," saad niya.

Walang maibigay na kumpirmasyon si Aaron kung kailan niya isusulong ang panliligaw niya kay Erich, ngayong nagkakausap na silang dalawa.