Napapag-usapan sa taping ng Sisid na mukhang interesado nga raw si Dominic Roco na ligawan si Bela Padilla (above).

"Ako talaga wala pang masasabi kasi kapapasok ko pa lang sa Sisid at parehas kaming super mahiyain. Sa taping, hiwalay naman ang dressing room ng babae at lalaki so hindi naman kami nagkikita lagi. Pero sa eksena kasi, lagi ko siyang sini-seduce so hanggang dun lang, at yun ang nasa utak ko kapag nasa eksena ako," Bela says.

 

Photo: Noel Orsal

Hindi itinatanggi ni Bela Padilla na naging close sila ni Dominic Roco nang magkasama sila sa Sisid.

Sa presscon ng Yes! 100 Most Beautiful Stars nuong July 28, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela at inamin niyang naging malapit sa kanya si Dominic pero hindi niya masagot kung nanliligaw nga ba ito sa kanya.

Napapag-usapan sa taping ng Sisid na mukhang interesado nga raw si Dominic na ligawan ito.

"Ako talaga wala pang masasabi kasi kapapasok ko pa lang sa Sisid at parehas kaming super mahiyain. Sa taping, hiwalay naman ang dressing room ng babae at lalaki so hindi naman kami nagkikita lagi.

"Pero sa eksena kasi, lagi ko siyang sini-seduce so hanggang dun lang at yun ang nasa utak ko kapag nasa eksena ako," napapangiting paliwanag ng young actress.

Lumalabas daw sila paminsan-minsan pero hindi naman daw na silang dalawa lang, kundi isang grupo sila dahil naging close na rin ito sa iba pang cast members ng Sisid, lalo na kay Ynna Asistio.

May komunikasyon daw sila at madalas ay nati-text daw siya ni Dominic. Siya naman daw, nati-text lang niya ang aktor kapag may taping sila.

"Usually kasi late call ako, e. Kaya para alam ko kung nandun na sila sa location, tini-text ko siya. Parang ginagawa ko siyang talent coordinator ng show. Malaking tulong naman si Dominic sa call time ko," natatawang sagot nito.

Masyadong maaga pa raw na sabihing nanliligaw sa kanya si Dominic. Kung sakaling may plano raw ito, hindi daw niya masasabi kung magtitiyaga ito sa panliligaw.

"Ako kasi gusto talaga yung traditional na panliligaw na pangmatagalan talaga.

"Kung liligawan niya ako, ewan ko, kasi ang belief ko, medyo dalagang Pilipina. Matagal ako magpaligaw, e. Kung liligawan niya ako, tingnan natin kung gaano siya katiyaga kasi medyo matagal-tagal na proseso iyan," sagot ng aktres.

"Kailangan siguro pahirapan para makita kung gaano ka niya kagusto. Ganun ang mga beliefs ko sa  buhay. At saka kailangan dumalaw siya sa bahay para sa Mommy ko rin," napapangiti niyang sagot sa amin.

Aminado naman si Bela na nakikita raw niya kay Dominic ang ilang traits sa isang lalaki para magustuhan niya.

"Moreno kasi si Dominic, e, gusto ko talaga moreno. Saka very artistic siya na tao at nakikita ko na sobrang mahal na mahal niya ang pag-arte. Hinahangaan ko ang ganung tao kasi seryoso siya sa trabaho niya. Yun ang nakikita ko na very admirable sa kanya," pahayag ni Bela.