PEP EXCLUSIVE: Lotlot de Leon will not join "circus" on mom Nora Aunor's arrival tomorrow

Mell T. Navarro
Monday, August 01, 2011 @ 02:00PM  |  53604 views

 

"Basta kaming mag-anak, dadalawin namin siya kapag hindi na siya nangarag ng ibang tao! Ayokong puntahan siya na maraming tao... Gusto ko, kami lang, yung private.  Kami lang ng mga bata, para naman makilala niya ang mga apo niya. Bonding, ganoon... Bahay lang, wala nang pasyal," says Lotlot de Leon about the arrival of her mom, Nora Aunor, tomorrow morning.

Photo By: Noel Orsal / File photo













Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot de Leon kahapon, July 31, sa Dulcinea, Tomas Morato, Quezon City.

Bagamat may ibang agenda ang aming meeting with her, nagpaunlak na rin ng interbiyu si Lotlot tungkol sa pagdating bukas, August 2, ng kanyang inang si Nora Aunor mula sa walong taong pamamalagi sa Amerika.

Kumpirmado na ang pagbabalik-bayan ng Superstar bukas, sakay ng Philippine Airlines PR103 flight.

Nakatakda ang arrival nito bandang alas-sais ng umaga sa Centennial 2 terminal ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City. Pero ayon sa isang source, posibleng mapaaga pa ang dating nito dahil walang stopover ang flight nila.



Inaasahang sasalubungin si Nora ng marami nitong loyalistang fans—ang Noranians.

Bukas din ng tanghali ay gaganapin ang "welcome home" grand press conference na inihanda for Nora ng TV5.

Gagawa ang aktres ng isang political drama mini-series sa Kapatid network, directed by Mario O'Hara.

"Oo nga, after eight years, darating na si Mommy dito," masayang sabi ni Lotlot, na slimmer na ngayon ang pangangatawan.

Kaso lang ay hindi makakasalubong si Lotlot sa ina dahil may shooting ito ng pelikula.

"Sayang nga, kasi nasa Bataan kasi ako that day, e. Sayang, dahil shooting kami ng Way Back Home," pagtukoy niya sa Star Cinema movie na pinagbibidahan nina Julia Montes at Kathryn Bernardo.

"Maaga pa lang ay nandoon na kami, e. Monday [August 1] naman ay Batangas ako, taping naman kami for The Sisters [TV5 drama series].

"Kanina, kausap ko si Albert [Sunga, close confidante ng mom niya]. Okey naman ang pag-uusap namin.  

"May meeting siya ngayon with the Noranians. Kasi, lahat ng fans ni Mommy, gustong sumalubong [sa airport].

"So, ina-arrange ni Albert yung sa mga Noranians," banggit ni Lotlot.

CIRCUS. Ayaw raw ni Lotlot na makisabay sa posibleng "circus" na mangyayari sa pagsalubong ng fans at supporters ng kanyang Mommy sa airport, o kahit na sa 5-star hotel na tutuluyan nito. 

Mas gusto raw niyang puntahan na lang ang kanyang ina—kasama ang mga anak niya—privately, upang makapag-bonding sila.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

Related Articles

35 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name