Anim sa young cast members ng danseryeng Time Of My Life ng GMA-7 ang sumalang last Sunday, July 31, sa Don't Lie To Me segment ng Showbiz Central hosted by John "Sweet" Lapus.
Sila ay sina Kris Bernal, Rocco Nacino, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, Diva Montelaba, at Steven Silva.
ENZO AND SARAH. Ang unang pares na nagtanungan ay sina Enzo at Sarah. Binanggit muna ni Enzo na nagkaroon ng possibility na maging sila noon dahil inamin ni Enzo na special si Sarah kay Enzo.
Ngayon ay nililigawan na ni Enzo si Louise delos Reyes.
Ang tanong ni Enzo kay Sarah ay kung nagkaroon ba ever ang dalaga ng feelings para sa kanya.
"Oo naman. Siyempre magkaibigan tayo. 'Tsaka sa tagal ng samahan mula ng StarStruck, siyempre naging close tayong lahat. So, naging friends," ang sagot ni Sarah.
"Truth" ang naging resulta sa lie-detector machine sa sinabi ni Sarah.
"Siguro nung times na yun, pareho kaming confused," ang pahayag pa ni Sarah sa comment ni Sweet na dati ay parang type ni Enzo si Sarah, pero tila hindi type ni Sarah si Enzo.
Parang hindi pa ready noon si Sarah na makipagrelasyon kay Enzo.
Tinanong naman ni Sweet si Enzo na baka kaya niya niligawan si Louise dahil nabasted ito kay Sarah noon.
"Ay, hindi po! First of all, gusto kong i-clarify na kami naman ni Sarah, magkaibigan kami ever since.
"And ngayon, alam ninyo naman na nililigawan ko si Louise and siya ang gusto ko," saad ni Enzo.
Baling ni Sweet kay Sarah kung ano ang naging reaksiyon ng dalaga nang nalaman nitong nililigawan na ng binata si Louise.
"Siyempre, napapansin ko po na happy din si Enzo. Laging naka-smile.
"So, as long as he's happy, I'm happy for you din," sabi naman ni Sarah.




0

