Nakapanayam ng The Buzz U.S. correspondent na si Monet Lu si Krista Ranillo sa Amerika sa mismong araw ng binyag ng anak nila ni Niño Lim na si Nate Jacob.
Two months na ang baby ni Krista nang pabinyagan ito.
"Sobrang saya kasi grabe yung turnout ng guests," ayon kay Krista.
"Hindi namin ine-expect. Our friends and family [are here].
"So, talagang masaya kami na ang daming pumunta at nakibahagi sa baptism ni Nate. So we're happy."
May mga pagbabago nga raw kay Krista simula nang maging isa na siyang ganap na ina.
"Marami. Siyempre, it's a very fulfilling life. Iba sa buhay showbiz.
"Yung makita ko lang every milestone ni Nate [masaya na ako].
"First time siyang nag-i-smile. First time siyang nagro-roll. Roll over na siya.
"Yung nandoon ako for every milestone of his life, it's very fulfilling in itself.
"Simple ang buhay, pero masaya."
Ano ang difference ng fulfillment as an actress compared to being a mom?
"Malaki. Malaki ang difference. Kapag artista kasi, siyempre we strive to get good roles. Gusto natin manalo tayo ng award.
"Pero siyempre, being a mother, it's like receiving an award every day.
"Yung makita mo lang ang anak mo everyday [at] very healthy. Tapos ako, very hands-on and breastfeeding him.




0

