"Wala na yung sama ng loob ko, pero 'wag na ipilit sa akin na gawin yung kalahati ng pelikula," says director Wenn Deramas about the MMFF movie of Vic Sotto and Ai-Ai delas Alas which has "Ina" on the title.

Photo: Paulo Fernandez

Nagsalita na ang direktor na si Wenn Deramas sa kanyang saloobin tungkol sa paggamit ng "Ina" sa title ng pelikulang pagsasamahan nina Ai-Ai delas Alas at Vic Sotto para sa Metro Manila Film Festival 2011—ang Enteng ng Ina Mo.  

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Wenn sa shooting ng pelikulang Private Benjamin na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Derek Ramsay.

"Hindi ako ready dito," sagot niya nang tanungin kung nagtatampo siya.

"Paano ba yun? Kasi pumayag po akong makipag-usap kay Tita Malou [Santos, Star Cinema head] kaya may meeting po kami [bukas, August 4] kaya dun lang maki-clear ang mga bagay-bagay.

"Lahat ng mga katanungan ay parang doon pa lang magkakaroon ng mga kasagutan."

Ano ang mga katanungan na tinutukoy niya?


"Bakit? Paano? Saan? Ano?" natatawang sagot ng direktor.

Paliwanag niya, "Kasi nung time na may inalok sila sa akin, meron na silang dapat na gagawin... paano ba?

"Basta nagkaroon na ng idea na pagsamahin si Vic at si Ai-Ai para sa filmfest.

"Ang unang nakarating sa akin, original concept of Tony Y. Reyes, so siyempre, respeto, 'O, inyo po 'yan.'

"Bigla na nagkaroon ng pagpapatawag sa manager ko na si Tita June [Rufino], na ako na raw ang magdidirek.

"May bago na namang concept na gandang-ganda ako, na ang sumulat si Mel del Rosario ulit.

"Nakarating sa akin yun, so nag-discuss kami ni Mel.

"Sabi ko kay Tita June, 'Ikaw ang bahalang magdesisyon, kailangan ko bang gawin kasi may ginagawa pa akong Private Benjamin.'

"Sabi niya, 'Oo naman, Vic Sotto yun.'

"After two days, tinanggap namin. Pero after two days, binawi.