Angelica Panganiban says production for Here Comes The Bride sequel is still on hold

Demai Sunio-Granali
Wednesday, August 03, 2011 @ 04:37PM  |  14713 views

 

Baka next year na masimulan ang shooting ng part two ng pelikulang Here Comes The Bride, ayon sa isa sa lead stars nito na si Angelica Panganiban. Sa ngayon, abala ang aktres sa kanyang pelikula with Piolo Pascual at sa daily comedy show na Banana Split on ABS-CBN.

Photo By: Monching Jaramillo













Very light ang aura ni Angelica Panganiban nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters last July 31, Sunday, sa Star Magic Games.

All out ang suporta ni Angelica sa boyfriend na si Derek Ramsay na naglaro para sa basketball team ng ASAP Rocks.

Masayang-masaya ang aktres dahil muli niyang naka-bonding ang ilang Kapamilya mula sa Star Magic, tulad nina Maja Salvador at Kim Chiu.

Ayon kay Angelica, "Lagi kaming nae-excite kapag ganito. Laging nagiging successful yung kinakalabasan niya kasi nakikita yung bonding ng lahat, yung teamwork ng bawat artista.

"Nakakatuwa na gano'n kalalim yung bonding nila kahit sa labas ng trabaho."

BANANA SPLIT. Matapos ang huling teleserye niyang Rubi, visible pa rin si Angelica sa telebisyon via the comedy program Banana Split na sa ngayon ay three years nang nasa ere.

"Sobra kaming masayang-masaya sa kinalabasan ng Banana Split," sabi ni Angelica.

"Siyempre at first, kinabahan kami kung kakagatin siya ng tao, at hindi kami nagkamali.

"Binigay namin yung 100 percent namin sa show and mahal na mahal namin ang isa't isa kaya alam namin na naging successful yung turnout niya."

Malapit sa puso ni Angelica at ng kapwa niya cast ang programa. Sa katunayan, nakakapagbigay rin sila ng personal inputs nila kung paano mapapaganda ang show.

"Hindi lang kami mga artista. Part kami ng creative process nung show kaya siguro nagiging super successful yung kinakalabasan niya. Kumbaga, on hand kami sa pagtulong."

Bukod sa Banana Split ay abala rin ngayon si Angelica sa shooting ng kanyang pelikula with Piolo Pascual. (CLICK HERE to read related story.)

Sa katunayan ay kagagaling lang niya sa shooting the night before ng Star Magic Games.

Kumusta naman ang takbo ng kanilang taping?

"Okay naman siya. Nagshu-shooting kami almost every day kaya rin kanina, talagang bagsak na bagsak ako sa pagod dahil ninamnam ko yung mga nanakaw na tulog sa 'kin.

1  2  Next »

Related Articles

21 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name