"Hindi rin ako puwede na puro lang pulitika. Kailangan ko talaga ng... kailangan ko ng showbiz. Kasi, yun talaga ang masaya. Yun lang talaga ang nagbabalanse. I'm in a happy place," says Congresswoman Lucy Torres-Gomez on finding her balance in show business.

 

Photo: Noel Orsal

Marami ang nakakapunang pakunti-konti na lang ang showbiz exposure ni Ormoc City Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Maliban sa kanyang pagiging judge panelist sa Talentadong Pinoy ng TV5, hindi siya nakikita pa sa ibang TV programs.

Ang pinakahuling exposure nito sa ibang programa ay sa Paparazzi noong nakaraang Linggo, July 31. Nag-pinch hit kasi siya kay Ruffa Gutierrez na absent no'ng araw na yun.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa magandang TV host-politician, we asked Lucy kung isasantabi na ba niya ang kanyang showbiz career.

"Hindi," tanggi niya. "Binabalanse ko lang yung time ko. I really cannot take on the same load I had. 

"No'ng pumasok ako sa pulitika, ang dami kong commitments na kailangan kong tapusin.

"So, umabot yung time na walang araw na wala akong trabaho, which wasn't healthy. So, [ngayon] tapos [na] yung mga kontrata.

"So, at least ngayon napipili ko lang yung puwede ko lang tanggapin," sabi ni Lucy, na ang tinutukoy ay mga offer sa kanya sa showbiz.

Nililinaw ni Lucy na hindi naman siya tanggap nang tanggap ng mga offer sa TV and commercial ads kahit no'ng bago pa siya pumasok sa pulitika.

"Hindi. Dati kasi it was a regular show. Parang dalawang regular shows na sabay. 

"Wala na akong oras sa sarili ko. Puro na lang work. If not for the district, for showbiz [naman]. Puro gano'n. Hati siya."

"After na matapos yung kontrata ko, I'm in a position now to choose kung ano lang ang kaya ng schedules ko. 

"Hindi rin ako puwede na puro lang pulitika. Kailangan ko talaga ng...kailangan ko ng showbiz.

"Kasi yun talaga ang masaya. Yun lang talaga ang nagbabalanse. I'm in a happy place," paglilinaw pa niya.

Choice daw ni Lucy ang tumanggap lang ng isang regular show gaya nga nitong Talentadong Pinoy.