"Siyempre, ibinigay ko rin lahat yung kaya kong gawin kung paano niya [AJ Perez] sana gagawin itong project na ito. Well, just trying to do my best to make him proud in a way and siyempre not to let him down and his family down," says Sam Concepcion (in photo) about replacing the late AJ Perez as leading man of Julia Montes in Way Back Home.

Photo: Noel Orsal

Pagkatapos magbida sa hit primetime series na Mara Clara, sa pelikula naman ngayon magbibida sina Kathryn Bernardo at Julia Montes via Way Back Home.

Si Jerry Lopez Sineneng ang direktor ng pelikula na ito mula sa Star Cinema na magbubukas sa August 17.

Si Sam Concepcion ang kapareha ni Julia, habang si Enrique Gil naman ang kay Kathryn.

Masaya si Sam na nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho sina Julia at Kathryn.

"Sobrang excited po talaga to work with Julia and Kathryn, kasi siyempre they're very successful umpisa pa lang ng Mara Clara.

"And it's a big role rin yung pinortray namin ni Enrique. We just give our all po and did our best for this movie.

"Hopefully magustuhan ng mga tao," sabi ni Sam nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Way Back Home sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, August 2.


JULIA MONTES. Bago ang Way Back Home ay nakasama na ni Sam si Julia sa defunct youth-oriented show ng ABS-CBN na Shoutout.

Pero hindi sila nagkaroon ng chance na maging close dahil once a week lang naman silang nagkikita para sa taping.  

Ngayon lang talaga masasabi ni Sam na close na sila ni Julia dahil madalas silang nagkikita sa shooting ng kanilang pelikula.

"With Julia po, magka-vibes na kami talaga," sabi ni Sam.

"We get along well. We like the same things. Pareho po kaming mahilig mag-Counter-Strike...

"And naging mas madali po ang trabaho because of that."

SECOND CHOICE. Ang namayapang young actor na si AJ Perez ang original choice para sa role na napunta kay Sam.

Pero hindi big deal para kay Sam kahit pa replacement or second choice lang siya para sa role.

"Yun pong second choice, para na rin naman pong first choice.