"Di ko alam. Parang kissing scene. Kissing scene. Yun pala no'n binuo na, ang dami na pala. May [halikan sa] sampayan. May [halikan sa] kitchen. Gano'n," says Enchong Dee about his multiple kissing scenes with Erich Gonzales in Maria la del Barrio.

Photo: Monching Jaramillo

"Actually, di ko nabilang. Kasi, kumbaga... kasi per script matagal yung time frame.

"So, di ko alam. Parang kissing scene. Kissing scene. Yun pala no'n binuo na, ang dami na pala.

"May [halikan sa] sampayan. May [halikan sa] kitchen. Gano'n."

May magseselos ba sa part ni Erich sa kissing scenes nila?

"Wala, siyempre," matipid niyang sagot.

Sa part niya, may magagalit ba kay Erich?

"Wala din. Unang-una, trabaho lang naman 'to, e, di ba?"

THE SWIMMER. Nami-miss din ba niya ang paglangoy? Or kinalimutan na niya ang sports na nagbigay rin sa kanya ng maraming medals?

"Nakakapag-swim ako. Kasi may mga times na minsan napa-pack up [ang taping] kami kaya pupunta na lang ako ng pool.

"Kesa naman walang ginagawa, di ba?

"'Tsaka siyempre, parte pa rin naman yun ng buhay ko. Kaya bumabalik-balik pa din."

Wala na siyang balak mag-compete sa swimming?

"Ibang klaseng training yun. Kailangang i-give up yung career," sabi niya.

At di nga raw niya kayang isantabi rin ang pag-aartista sa ngayon kung siya ang tatanungin.

"Hindi naman. Kasi ang dami-daming nangangarap kung nasaan ka ngayon, di ba?