"Windy! But it was nice," ang unang nasambit na reaksiyon ni Sam Pinto pagkatapos ng date nila ng baguhang aktor na si Alden Richards kahapon, August 4.
Nagsimula ito sa pambubuyo ng co-stars nila sa Tween Academy Class of 2012 na imbitahan ni Alden ang crush niyang si Sam na makipag-date sa kanya. (CLICK HERE to read related story)
Nasorpresa ang 21-year old model-turned-actress nang dalhin siya ni Alden sa docking area ng Prestige Cruises sa Manila Bay bandang 5:30 ng hapon.
Nagka-idea ba siya beforehand kung ano ang mangyayari sa date nila ni Alden?
"Not at all," sagot ni Sam.
"Sobrang [surprising] kasi wala talagang nagsabi sa 'kin ng mangyayari today.
"Ang alam ko lang, ang sabi nga sa 'kin, MOA, e. Sabi ko, 'Ano namang gagawin natin sa MOA?'
"So, nung papunta na dito, medyo nagka-hint na 'ko.
"Actually, sabi ko sa kanya [Alden], 'Surprise me,' and na-surprise nga ako.
"Kasi ine-expect ko mga dinner-dinner lang talaga na ordinary, e, ito extraordinary.
"I'm happy naman. Very happy."
Nasiyahan din naman si Alden na puspusang naghanda para sa date nila ng kanyang hinahangaang aktres na kamakailan lang ay hinirang ng FHM magazine bilang sexiest woman in the Philippines this year.
"Thank you [to Sam] because the efforts paid off," sabi ng binata.
"Siyempre yung pressure kasi since nga in-ask ko si Sam Pinto.
"And then, yun nga, she's Sam Pinto and hindi naman puwedeng dalhin somewhere na kumbaga diyan lang na restaurant.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
45 marawicity
44 lanalang08
43 cinelamour
42 darnamaya
41 timito
40 shikka
39 shingaling20
38 ganda
37 rayver7
36 rayver7
35 lovekopinas
34 capisceniente
33 CodeMars
32 lovelyina
31 ichigo510
30 ichigo510
29 mito
28 shikka
27 shikka
26 shikka
more comments