Sa wakas ay natupad na ang pangarap ni Alden Richards na mai-date ang showbiz crush niyang si Sam Pinto. Sa loob ng mahigit isang oras na dinner cruise ay nagkakwentuhan at mas nagkakilala sila. Parehong umaasa ang dalawang stars ng Tween Academy na ito na ang magiging simula ng mabuti nilang pagkakaibigan.

 

Photo: Demai Sunio-Granali

Dahil sa magandang feedback sa kanilang first date, tinanong namin sina Sam at Alden kung masusundan pa ba ang date na ito at ano sa tingin nila ang patutunguhan ng kanilang newfound friendship.

"We just got to know each other, e. Siguro magme-maintain muna as friends.

"We'll see. We'll never know what happens next," sagot ni Sam.