Jackie Rice has best of both worlds — career and love life  

Rose Garcia
Saturday, August 06, 2011 @ 05:17PM  |  9257 views

 

At 21, Jackie Rice stars in Sisid, a top-rating teleserye. She has a non-showbiz boyfriend who supports her career. May kasabihan na kapag bongga ang career, zero ang lovelife. Pero sa kaso ng aktres, parehong bongga ang career at lovelife niya.

"Hindi totoo yun.  Ayokong mabati," natatawang sabi ng aktres. "Hindi naman totoong kapag happy ang lovelife, walang career. Nasa sa 'yo yun, e, kung paano mo dalhin ang sarili mo sa pakikipag-relasyon. At sa pagta-trabaho mo."

 

Photo By: Courtesy of GMA-7














Dahil sa pinagbibidahang afternoon series na Sisid, tanned  na halos ang balat ni Jackie Rice.  Ilang buwan na rin siyang nagti-taping sa tabing-dagat, kung hindi man ay literal na sumisisid talaga siya sa Anilao, Batangas.

Ayon kay Jackie, ginawa na raw niya ang pinakamahirap na eksena — ang pagsisid para kunin ang perlas sa ilalim ng dagat. 

Ito ang kuwento ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa taping ng Sisid kagabi, August 4, sa may Multinational Village sa Parañaque.

"Mahirap yung pinaka-last [na eksena] kasi, mas malalim siya. Nag-swim na ko sa Ocean Park, natakot ako noon. Pero mas mahirap pa 'to kasi, mas malalim siya.  Sa Ocean Park, 12 feet lang, e.  Yung sa Anilao siguro mga 20 feet yun. Walang hingahan yun."



Isa sa may mataas na rating ang Sisid. Since first time ni Jackie ang magbida sa show, sinasabing kaya na niyang magdala ng sariling serye. Ano ang reaction niya dito?

"Talaga po?  Siyempre, masaya po ako kasi minahal ko po ang trabaho ko," ani Jackie na tila naiilang pa.

"Nakikita ko rin na ang mga ka-trabaho ko, ginagawa nila ang lahat para mapaganda yung show. Tapos ako, hindi ko gagalingan? Hindi ko gagawin ang part ko?  So, tulong-tulong kami.

"Hindi lang naman ako ang gumagawa nito, lahat kami."

Sa ngayon daw, gustong-gusto niyang umarte. Iba raw ang enthusiasm niya pagdating sa trabaho.  Bago naging bida, nagkontrabida muna si Jackie.  Alin ang mas gusto niya?

"Actually, kahit saan naman po.  Basta ang gusto ko po yung napaglalaruan ko talaga."

Kasama rin siya sa Bubble Gang kunsaan ay nagpapatawa naman siya.  Saan siya mas kumportable, magpatawa or mag-drama?

"Basta po may trabaho.  Lahat naman po gusto ko.  Mahirap magpatawa.  Mahirap din magpaiyak. Actually, lahat naman mahirap.  Pero dahil gusto ko ang ginagawa ko, nagiging madali siya."

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Magtu-two years na ang relationship ni Jackie at ng kanyang non-showbiz boyfriend. Nakakatulong ba sa kanya ang pagkakaroon ng relationship?

"Siyempre, isa yun sa mga factor kung bakit na-i-inspire ka. Pero siyempre, hindi naman po ako bumabata. At saka, alam ko na ngayon kung ano ang gusto ko. Marami akong gustong mapatunayan. Hindi lang sa sarili ko, sa parents ko, pati na rin sa ibang tao."

Speaking of her boyfriend, close rin daw ito sa mga co-stars niya. Mismong sina JC Tiuseco ang nagsasabing kaibigan nila ang boyfriend ni Jackie.  Birong-tanong nga namin kay Jackie kung strategy ba yun ng boyfriend niya para walang manligaw sa kanya?

"Kahit naman hindi ka-partner ko, kinakaibigan niya. Even director namin, E.P. namin, P.A. namin."

1  2  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name