news

Jackie Rice has best of both worlds — career and love life  

by Rose Garcia posted on August 6, 2011  STATS: 9925 Views | 12 Comments

 

At 21, Jackie Rice stars in Sisid, a top-rating teleserye. She has a non-showbiz boyfriend who supports her career. May kasabihan na kapag bongga ang career, zero ang lovelife. Pero sa kaso ng aktres, parehong bongga ang career at lovelife niya.

"Hindi totoo yun.  Ayokong mabati," natatawang sabi ng aktres. "Hindi naman totoong kapag happy ang lovelife, walang career. Nasa sa 'yo yun, e, kung paano mo dalhin ang sarili mo sa pakikipag-relasyon. At sa pagta-trabaho mo."

 

Photo By: Courtesy of GMA-7


Dahil sa pinagbibidahang afternoon series na Sisid, tanned  na halos ang balat ni Jackie Rice.  Ilang buwan na rin siyang nagti-taping sa tabing-dagat, kung hindi man ay literal na sumisisid talaga siya sa Anilao, Batangas.

Ayon kay Jackie, ginawa na raw niya ang pinakamahirap na eksena — ang pagsisid para kunin ang perlas sa ilalim ng dagat. 

Ito ang kuwento ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa taping ng Sisid kagabi, August 4, sa may Multinational Village sa Parañaque.

"Mahirap yung pinaka-last [na eksena] kasi, mas malalim siya. Nag-swim na ko sa Ocean Park, natakot ako noon. Pero mas mahirap pa 'to kasi, mas malalim siya.  Sa Ocean Park, 12 feet lang, e.  Yung sa Anilao siguro mga 20 feet yun. Walang hingahan yun."



Isa sa may mataas na rating ang Sisid. Since first time ni Jackie ang magbida sa show, sinasabing kaya na niyang magdala ng sariling serye. Ano ang reaction niya dito?

"Talaga po?  Siyempre, masaya po ako kasi minahal ko po ang trabaho ko," ani Jackie na tila naiilang pa.

"Nakikita ko rin na ang mga ka-trabaho ko, ginagawa nila ang lahat para mapaganda yung show. Tapos ako, hindi ko gagalingan? Hindi ko gagawin ang part ko?  So, tulong-tulong kami.

"Hindi lang naman ako ang gumagawa nito, lahat kami."

Sa ngayon daw, gustong-gusto niyang umarte. Iba raw ang enthusiasm niya pagdating sa trabaho.  Bago naging bida, nagkontrabida muna si Jackie.  Alin ang mas gusto niya?

"Actually, kahit saan naman po.  Basta ang gusto ko po yung napaglalaruan ko talaga."

Kasama rin siya sa Bubble Gang kunsaan ay nagpapatawa naman siya.  Saan siya mas kumportable, magpatawa or mag-drama?

"Basta po may trabaho.  Lahat naman po gusto ko.  Mahirap magpatawa.  Mahirap din magpaiyak. Actually, lahat naman mahirap.  Pero dahil gusto ko ang ginagawa ko, nagiging madali siya."

NON-SHOWBIZ BOYFRIEND. Magtu-two years na ang relationship ni Jackie at ng kanyang non-showbiz boyfriend. Nakakatulong ba sa kanya ang pagkakaroon ng relationship?

"Siyempre, isa yun sa mga factor kung bakit na-i-inspire ka. Pero siyempre, hindi naman po ako bumabata. At saka, alam ko na ngayon kung ano ang gusto ko. Marami akong gustong mapatunayan. Hindi lang sa sarili ko, sa parents ko, pati na rin sa ibang tao."

Speaking of her boyfriend, close rin daw ito sa mga co-stars niya. Mismong sina JC Tiuseco ang nagsasabing kaibigan nila ang boyfriend ni Jackie.  Birong-tanong nga namin kay Jackie kung strategy ba yun ng boyfriend niya para walang manligaw sa kanya?

"Kahit naman hindi ka-partner ko, kinakaibigan niya. Even director namin, E.P. namin, P.A. namin."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

12 Comments

  • 12  kilabotako

    08/09/2011 | 01:43 AM
    21 is so young,,pa,,kaya ingat ka,,if not,,masisira ka,,at wala ka ng babalikang career,,ikaw din,,mag ipon at mag pundar habang bata,,magbasa ng bible at malalim na relasyon wid god,,yun lang,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  kilabotako

    08/09/2011 | 01:41 AM
    we love her,,isa sya sa bet ko sa stardom,,pretty at pang lead role sya,,may star apil,,magaling pang umarte,,malayo pa mararating mo iha,,21 kapalang,kala mo naman matanda kana,,kaya wag kang pasisira sa loevlife mo,,ok lang mainlove pero know ure limitasyon,iwas buntisan,,ikaw din1wala ka ng babalikang career,.focus at samahan ng maayos na relasyon with god,.at sa family,just work decently at proffesionaly,wag kang paeexploit,bata kapa,at magaling ka,no need sexy thing,,wag kang pauuto jan,.madaming satrs na nasira sa showbiz so,beware!,.maging role model at magka silbi sa bayan para mas mahalin ka pa ng tao,.we love her,,at si NINA JOSE,GWEN ZAMORA,SAM PINTO,PAULIN LUNA,ANGELIKA DELACRUZ,STEF PRESCOT,,NADINE SAMONTE,PRINCESS SNELL,CARLA ABELLANA,JESY MENDIOLA,etc,.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  gorgeous_aleck

    08/08/2011 | 04:08 PM
    gumagaling yata c jackie. pinapanood ko ang sisid at masasabi kong may ibubuga pa siya. need pa niya ng konting workshop para mas gumaling pa siya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • amronayab_57

    08/08/2011 | 11:38 AM
    I saw jackie since the days as an starstruck. she realy mature and improved a lot in her craft. Keep up jackie the good work your doing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • under_rated

    08/07/2011 | 05:09 PM
    2, nagpapatawa cya! bwahahahaha! acting workshop ka dyan! yong HYY nyo dapat e workshop kc taas ng ratings... bwahahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • joanncabale

    08/07/2011 | 02:04 PM
    galing na umarte ni ajckie rice sa sisid...verstaile actress..pwede sa comedy..may kilig at chemistry sila ni dominic roco..sana more projects for her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • leonmindoro

    08/07/2011 | 10:50 AM
    Sobreng improved na ang pag-arte ni Jackie. Primetime show na dapat ang next na ibigay na project sa kanya. Nakakamiss yung tandem dati ni Marky ang Jackie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • oskieness

    08/06/2011 | 10:06 PM
    sexy super galing umarte.....GNDA PA...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MARKY2000

    08/06/2011 | 09:21 PM
    Ang galing galing ni Jackie Rice sa SISID.Pati si Dominic Roco.Sana manominate sila next year sa award giving bodies.Ang laki nang na improve nila sa acting lalong lalo na sa parte ni Jackie.Congrats sa SISID kase ang taas taas nang rating nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    08/06/2011 | 08:11 PM
    A primetime drama series for Jackie Rice, Solenn and Lovi Poe would be perfect for these ultra-appealing actresses of GMA7. Walang pantapat ang dos sa kanilang kagandahan at kaseksihan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nice1

    08/06/2011 | 07:07 PM
    kailangan mag acting workshop p
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lovelike

    08/06/2011 | 05:35 PM
    i like this girl...magaling umarte, at super ganda pa,,,sana more project to come na pang primetime talaga!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About