Jason Abalos expresses his admiration for Jewel Mische.

"Inaamin ko na ang pagkatao ni Jewel, gustong-gusto ko.  Kung sakali mangyari in the future na maging kami, ipagpapasalamat ko," he says. "Kahit ngayon, ipagdarasal ko kung saka-sakaling siya na ang babaeng mapapangasawa ko habangbuhay. Kung di si Jewel yun, yung taong kagaya niya."

Photo: Noel Orsal


After his breakup with Bela Padillla, nali-link naman ngayon si Jason Abalos kay Jewel Mische.  

Balita ang sweetness at closeness na nakikita kay Jewel at Jason. Inamin naman ng aktor na si Jewel ang isa sa nagpatibay sa kaniyang faith in God.

In a phone interview with Jason last Tuesday sa taping ng Reputasyon, hindi itinago ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang malalim na paghanga niya kay Jewel.

Klinaro din ni Jason na hindi pa niya ito nililigawan gaya ng mga lumalabas na balita.   

"Magkaibigan talaga kami, wala namang nangyayaring ligawan. Puwede naman na kahit nagkikita kayo, magkaibigan lang kayo di ba? Hindi naman porke't nagkikita, nagliligawan na o mayroon ng romance," ani Jason.

"Kasi, nakakahiya kay Jewel. Sobra siyang deboto, ayokong isipin ng pamilya niya na ganito lang pala ang ginagawa niya sa showbiz.  

"Para sa akin ang mission niya sa showbiz ay ipakita na mayroong pang mga artista na matino. Kasi pag sinabi mong showbiz, iisipin ng iba, magulo. 

"Naniniwala  ako na kaya kami nagkakilala ay kasi mayroon siyang mission. Pangit mang sa akin nanggaling, pero parang ang misyon niya ay mas mapalapit ako sa Diyos; anghel siya para sa akin," aniya.     

"Inaamin ko na ang pagkatao ni Jewel, gustong-gusto ko.  Kung sakali mangyari in the future na maging kami, ipagpapasalamat ko.

"Kahit ngayon, ipagdarasal ko kung saka-sakaling siya na ang babaeng mapapangasawa ko habangbuhay. Kung di si Jewel yun, yung taong kagaya niya.

"Oo, sobrang taas ang tingin ko sa kanya. Madi-discover mo talaga ang tao pag nakilala mo siya ng personal," ang sabi ni Jason.

NOT GOING BACK TO EX. Klinaro din ni Jason ang usap-usapan na babalikan niya raw ang ex niyang si Bela Padilla.

"Wala na talaga kaming communication.  Matagal na kaming huling nag-usap at never na kaming nagkita.  Kung magkita man kami, sa mga events na lang. Hi, hello na lang yun. At kung mag-usap man kami, di ganun katagal.  

"Mayroon na kaming kanya-kanyang buhay ngayon. Masaya ako para sa kanya.  Kung anuman ang nangyayari sa buhay niya, natutuwa ako."

Sa TV drama na Repustayon, magka love triangle si Jason, Cristine Reyes, at Rayver Cruz.