news

Aiko Melendez refuses to comment on Candy Pangilinan's cussing incident with IC Mendoza: "I love my best friend so much and I want to protect her. At the same time, IC is like my baby also."

by Melba R. Llanera posted on August 7, 2011  STATS: 18334 Views | 19 Comments

Aiko Melendez confirmed her presence when the cussing incident happened between Candy Pangilinan and IC Mendoza. "Yes, I was there.  Actually they're both my friends pero we know how close I am to Candy — she's my best friend," she said. "Si IC naman, I talked to him and he assured me na whatever happened, mahal niya ako."

Photo By: Noel Orsal



Sa naging away nina Candy Pangilinan at IC Mendoza kumakailan sa isang bar kung saan kinumpronta, minura at binitiwan daw ng masasakit na salita ng komedyana ang Juicy host, lumabas ang pangalan ni Aiko Melendez na kasama daw ni Candy nang gabing iyon.

Si Aiko daw ang nag-comfort kay IC habang umiiyak ito after the confrontation.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) had a chance to interview Aiko last Tuesday on the set of Reputasyon in San Miguel, Bulacan. Nagbigay ng pahayag ang aktres sa nangyari kung saan inamin nito na parehong malapit sa kanya si IC at Candy, lalo na raw ang komedyana na itinuturing niyang matalik na kaibigan.


"Yes, I was there.  Actually they're both my friends pero we know how close I am to Candy — she's my best friend.  Whatever she's going through right now, malalagpasan niya ito.

"Let's give her the chance, the opportunity to explain. In as much as I wanna comment, mas gusto ko na siya ang magsalita," ang sabi ni Aiko.


"Si IC naman, I talked to him and he assured me na whatever happened, mahal niya ako.  He knows naman I care for him and I understand how it feels to be in his position. Naiintindihan ko saan sila pareho nanggagaling.  I just pray na magkaayos sila."


Agad naming tinanong si Aiko kung totoo bang lasing si Candy nang gabing iyon.


"I don't wanna comment.  My position is medyo ipit because I love my best friend so much and I want to protect her. At the same time, IC is like my baby also.  

"Alam ko, naniniwala ako na one day magkakaayos din sila, yun ang prayer ko, sana magkaayos.  Kahapon, nakausap ko ang family ni Candy, in-explain ko kung ano talaga ang nangyari," ani Aiko.

"Gusto namin sana matapos ito quietly.  Pag may nakaka-angat at may magandang nangyayari sa buhay ng isang tao, sana wag na may nagpu-pull down."


WHAT BULACAN BAN? Naging issue before ang pagsasampa ng demanda ni Mayor Patrick Meneses laban sa aktres at ang pagpirma ng marami sa mga mayors ng Bulacan para maikunsiedrang persona non grata si Aiko.

Ngayong sa San Miguel, Bulacan, naganap ang interview na ito, patunay lang daw na mukhang di tuloy ang gusto ng mga nasabing mayors na i-ban ang aktres sa Bulacan.


"Wala akong problema, nagpapasalamat ako sa mga Bulakeños kasi naging malawak ang pagtanggap nila sa akin. Pagdating sa pag-iisip, alam ko naman na matatalino ang tao.  Alam nila kung hanggang saan sila maniniwala at kung sino ang paniniwalaan.  


"Natatakot lang naman ako sa mga nakaposisyon dito, pero yung mga tao dito, wala akong dapat ikatakot, kasi mahal naman nila ako.  Puwede nga akong tumakbo dito," dagdag pa ni Aiko.


"Tingnan nyo ang mga kasama ko, mga beki, mukhang ako pa nga ang magtatanggol sa kanila."


ENJOYS BEING KONTRABIDA. Ang Reputasyon ay ang pambungad ng Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Inakala na magiging primetime ito pero ikinagulat ng marami nang ilagay ito sa panghapong programa ng ABS-CBN.


"Una, naninibago kami kasi ang mindset namin is for primetime pero nung inexplain ng bosses namin na kami ang frontline sa Kapamilya Gold, mas kinabahan kami kasi mas pressure yun.

"Para ilagay ka sa afternoon drama, it's something new... Ibig sabihin nun, malaki ang tiwala sa iyo so nagpapasalamat kami na kahit papaano, kami ang pang-una."


Sa ngayon ay sobrang ine-enjoy ni Aiko ang role niya bilang Catherine Montemayor.


"First time kong mag-play ng kontrabida, pero I'm really thankful kasi nung nakagamayan ko na, parang sobrang na-in love na ko sa role ko.     

 
"Minsan lumabas ako, tinawag akong Gobernadora, hindi ako tumitingin.  Sabi niya, 'Governor, Governor.' Sabi ko, 'Ano po ba? Matagal na po akong wala sa politics.' Sabi niya, 'Ikaw si Governor Catherine Montemayor; di ba tatakbo ka?'


"Ay, Reputasyon pala ito. So ako naman, mega explain. Nagpapasalamat talaga ako kasi talagang nakaka-relate sila. Even sa mga Twitter followers ko. Hindi na katulad dati na kung kontrabida ka, sasabunutan ka."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

19 Comments

  • 19  kilabotako

    08/11/2011 | 06:28 PM
    si aiko ba ang nasa isyu at bakit sya mag cocoments jan sa walang kwentang isyu na yan,matuto sila,kase,,kahit si aiko,,she must learned her mistakes sa mga guys na naging asawa niya,,hidni sya magdalena para gamitin lang,kaya nasira sya sa pulitika dahil sa ganyang lifestyle,,better she must know GOD na now,,read the bible aiko,kayo ni EULA VALDEZ,.hehe,iba ang dyos,.kesa sa lalake,heheh,.isa pa,,si aiko an g nagdadala sa soap nila ni cristine reyes,,ang galing nyang umarte,,grabe!actress tlaga,,panalo!!..siya ang lea role sa REPUTASYON,,yun lang,,focus lang aiko,just work decently at proffesionaly,,samahan ng pag iipon,pagpupundar at maayos na relasyon sa dyos,para sa mga anak mo,maging ehemplo ka sa kanila,,at sa mga baba ejan,.godbless
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  kilabotako

    08/11/2011 | 06:25 PM
    hay nako,,lets all moving on na,,lets give a chance si aiko,na prove nya na hidni sya ganung klase ng babae,.she is a devoted mother naman,mabuting ina sa mga anak niya,,sana nga lang wag na syang magbilang ng bf o asawa,wag syang sige ng sige sa mga guys kase ginagamit lang sya gaya ng huli,niloloko,she dont need man anymore kase may mga anak na naman sya,baka mali na naman,,she need most GOD now,dapat i submit muna ni aiko ang sarili niya s adyos para makatagpo ng tamang guy for her na rerespetuhin at tamang guy sa kanya,.we hope sila padin ni JOMARI YLLNA diba o si MARTIN JICKAIN,sana diba,,pero mas si jom,.mas matured,.i think shes into god now,.at about this isyu,wala na siyang paki jan,labas na sya,jan,matanda na si cnady alam na niyang i handle ang isyung kacheapn na iyan,,wahahah.at si ic,madami pa syang kakainin bigas being host kaya wag syang pauuto kay fermin,be like BOY ABUNDA,decentproffesional gay host,.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  fujiko777

    08/08/2011 | 04:32 PM
    nung naghiwalay kayo ni Jom, ang tapang mo..sabagay..ikaw ba naman ang landiin ang asawa.. next nung si Jickain naman..ang tapang mo din!!! kabog na kabog ang katapangan mo! pero etong pangatlo na... hehehe... lumalabas na mukhang ikaw na nga ang may problema kaya kelangan ng damage control. oh well.. at least you've learned your lesson..sana totoo na yang pagiging mapag kumbaba mo. saludo ako sayo Mayor Meneses..smile!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  fujiko777

    08/08/2011 | 04:28 PM
    nagtataka lang ako, I liked Aiko, at di maikakaila ang pagiging best actress nya..ang pinagtataka ko, upon reading her iterviews lately, parang ang lumalabas sa bibig nya eh mala Sharon Cuneta ba, yung mahal ko si ganito at mahal ko si ganyan..na, nahawa din si Ai ai at naging trend na ng mga plastikerang artista. dati di naman ganito magsalita si Aiko, masyado na syang mapag kumbaba ngayon, pati sa article nya about Cristine R. tapos dito bukod sa mahal daw sya at mahal nya ang mga Bulakenyo, pati si IC sabi eh mahal daw sya kahit anung mangyari. Aiko, nakahanap ka na ba ng katapat mo? si Mayor Meneses pala ang mag yuyupi sayo para matuto kang magpakumbaba ng bonggang bongga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  bus_stop

    08/08/2011 | 02:25 PM
    hay naku aiko,kahit kaibigan mo pa kung mali ang ginawa HUAG mong kampihan,kung sabagay huag kanang makialam unahin mo muna ang sarili mo MAGPAPAYAT KA NAMAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  winged_angel

    08/08/2011 | 01:32 PM
    ang taray ng babaeng ito. Candy got into a minor car accident a few years ago. Tinawagan niya si Aiko, minura mura ni Aiko yung isang driver. Kaloka. Buti nga sa kaniya natalo siya sa eleksyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  yunikrose

    08/08/2011 | 01:22 PM
    aray ku!!!ito na ba si aiko??pep siguro naman may maganda-ganda kaung pex dyan ni aiko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  capisceniente

    08/08/2011 | 12:40 PM
    madaya lang ang camera. Sa personal di naman siya ganyan kataba, at kahit sa tv sa Reputasyon hindi siya ganyan kataba. Baka na-photoshop ng you know who? Solid GMA kaya sila nyahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  tili_2death

    08/08/2011 | 10:54 AM
    Lasengga pa kamo! Ayan lumabas na rin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  song751

    08/08/2011 | 10:20 AM
    Super Tabaaaaaaaaaaa!!!!Kakatakot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lhes2004

    08/08/2011 | 09:20 AM
    good choice ang kapamilya network para sau ms aiko...sana marami ka pang gagawin after ng reputasyon...Good luck sa lahat ng cast!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kadabarkads

    08/08/2011 | 07:25 AM
    ow my gully ka dambuhalang babae
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilyaito

    08/08/2011 | 07:20 AM
    Isa sa pinakamagandang artista ng kanyang generation. Ano ang nagyari at pati ang mukha nya ay nagbago? Sayang dahil hinayaan nyang lumaki sya ng ganyan. Mabuti pa ang mga kasabayan nyang sina ruffa at carmina na maintain ang beauty at figure.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Xray

    08/08/2011 | 05:38 AM
    my gosh!!! kahit anong ganda mo talaga kung sobrang overweight ka wala rin! sa picture pa lang kahit hindi kita ang katawan, sa mukha at braso obvious na ang laki-laki-laki niya!!!! as for candy, dapat pagsabihan niyan ng manager niyang si angeli pangelinan na kung maka-husga kina ai-ai na bastos daw eh yung alaga niya rin pala kasing bastos nang mga binabatikos niya. ngiek!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ksa_ofw

    08/08/2011 | 05:07 AM
    majoba, jobis. sana, sumali na lang sya sa biggest losers. weeee!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • greencardholder

    08/08/2011 | 02:59 AM
    tama! may attitude problem si Candy sana wag na syang tumatlo baka makakita sya ng katapat na hindi na uubra ang sorry nya. nakakainis lang naman etong si Shrek Fermin nakikisawsaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ehemm

    08/08/2011 | 12:38 AM
    omg nga lols. ate shawie, isdatchu?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jjjjjjjjjj

    08/07/2011 | 09:29 PM
    hindi ako igorot.....says candy pangilinan.....PI mo IC says candy pangilinan.....may idadagdag pa kayo..walang BREEDING talaga itong babaeng ito..kaya di nakapagtataka na hiniwalayan siya ni direk SAN PEDRO......AYAW NI SAN PEDRO Ng palingkera gusto nya si dianna M.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fanhan

    08/07/2011 | 09:07 PM
    omg. it must be hard for her to lose weight?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About