news

Rayver Cruz happy that the public has finally accepted his reel, and real-life relationship with Cristine Reyes

by Melba R. Llanera posted on August 7, 2011  STATS: 11832 Views | 27 Comments

Ngayong open book ang mag-i-isang taon na ring relasyon ni Rayver Cruz (left) at Cristine Reyes (right), tumigil na rin ang mga intrigang pinupukol sa kanila. Kitang-kita naman daw kung gaano kainspirado at kasaya sa isa't-isa ang dalawa.

 

Photo By: Noel Orsal

Ang relasyong Rayver Cruz at Cristine Reyes ay masasabing matatag na rin kung ang pagbabasehan ay kung paano nila nalagpasan ang kabi-kabilang kontrobersiya mula nang makumpirma na sila ng dalawa.  

Ngayon na open book ang kanilang mag-i-isang taon na ring relasyon, tumigil na rin ang mga intrigang pinupukol sa kanila kung saan kitang-kita naman daw kung gaano kainspirado at kasaya sa isa't-isa sila Rayver at Cristine.



Balita nga na nung birthday ng aktor last July ay isang mamahaling relo daw ang niregalo sa kanya ni Cristine. At ngayong nalalapit na ang kanilang first year anniversary, tiyak na mas bongga raw ang magiging celebration ng dalawa.   


Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver last Tuesday sa set ng Reputasyon sa San Miguel, Bulacan, agad naming tinanong ang aktor kung may plano na ba sila ng girlfriend niya for their anniversary.     



"Wala pa e, pero pinaghahandaan ko. Actually mas maganda pa nga kung biglaan. Gusto mo yung may naisip ka agad, mas nakaka-suprise yun kaysa dun sa pinaghahandaan mo nang matagal.  It will be our first-year anniversary this coming September 14."



Pinakuwento  namin kay Rayver ang relo na niregalo daw sa kanya ni Cristine nung birthday niya.  Ayon naman sa aktor, sobra niyang na-appreciate ang gift sa kanya ng kanyang girlfriend.

 "Isang magandang shirt, plain na... basta maganda siya. Tapos relo. Nung isang araw kasi wala akong dalang relo sa taping. E, kailangan ko para sa eksena.  

"Ako kasi hindi ako ma-relo na tao pero may mga relo naman ako.  Totoong nanghiram ako sa driver ko kasi nung araw na yun wala akong dala.  Ginamit ko yung watch na [gift ni Cristine] sa taping, isang beses pa lang kasi baka malaspag."

NEVER BORING. Magkapareha sa Reputasyon, kung ang ibang magkarelasyon ay maaring magkasawaan pag halos araw-araw na magkasama, higit namang lumalalim ang relasyon nila Rayver at Cristine dahil dito. 

   

"Mas gusto ko pa ngang pumunta sa taping agad kasi makikita ko siya and di naman siguro aabot sa magkakasawaan kami, kasi dito ko lang siya nakikita.  

"Kapag may free time naman, hindi ko na pinipilit kung minsan na magkita kami para may time din siya sa family niya. Kung may gusto siyang gawing mag-isa, magkikita uli kami sa taping.

"Dito na kami nagkikita, minsan nakakasundot kami ng dinner.  Kanya-kanya naman kasi yun, basta sa amin happy kami ni Cristine na magkatrabaho kami."     


Sa nakaraang Star Magic Sportsfest, dumating si Cristine kasama ang ina ni Rayver na si Mrs. Cruz. 



Patunay lamang daw ito na mukhang close talaga ang aktres sa ina ng aktor.  Marami tuloy ang nagsasabi na dahil maayos naman ang tinatakbo ng lahat at mukhang walang problema sa pamilya ng bawat isa, baka mauwi na raw talaga sa kasalan ang lahat.   



"Masayang tingan na yung mga ladies sa buhay ko, close sila, nakasuporta talaga sa akin.  Ang sarap na pakiramdam nun.



"Kasal? Wala pa, ang bilis naman.  Pero siyempre di ba kaya tayo pumapasok sa relasyon kagaya namin, gaya rin ng sinasabi namin ni AA, mahirap naman ang papalit-palit kung magtatagal naman kami.

"Kung kami talaga ang para sa isa't-isa, bakit naman hindi?  Sa ngayon mahirap talagang magsalita kasi mga bata pa naman  kami. Hindi pa namin naiiisp 'yan sa ngayon."   



"Basta kami, masaya kami sa relasyon namin. Nagkakasundo kami sa maraming bagay."

NOT THE JEALOUS TYPE. Sa ngayon ay simpleng tampuhan lang ang madalas na pinag-aawayan ng dalawa. Wala rin daw lugar ang selos sa kanila taliwas sa lumabas na mga balita na pinagselosan daw ni Rayver ang ginawang pagyakap ng girlfriend kay Derek Ramsay sa nakaraaang concert ni Vice Ganda.   



"Mga simpleng tampuhan lang, maliliit na bagay na naayos naman agad.  Yung kay Derek, hindi ako nagselos.  Ang sabi ko nga, kung ganun nga yung katawan, yayakapin ko rin. Yung mga lalaking nakaka-partner niya, yun ang mga huli kong pagseselosan.  Mga kaibigan ko talaga sila like Zanjoe, Derek."



Di naman tinago ni Rayver na sobra ang presure niya noong sinimulan ang Reputasyon pero ngayon ay medyo nakahinga na siya ng maluwag dahil patunay lang daw ito na tanggap ng tao ang relasyon nila ni Cristine.



"Masaya kami, naka-ilang weeks na rin kami and mas kumportbale na kami sa bawat isa.  Lalo na si Ms. Aiko kasi laging siya ang ka-eksena ko, kahit napupuyat kami, di na namin namamalayan kasi masaya ang staff and crew.     



"Less na yung presure kasi yung mga feedback sa amin ang ganda, ang daming nanood, ang daming nagti-text na maganda nga raw yung story, okay ang cast.  Saka na-prove ko na mas tanggap na kami ng tao.  



"Nakakatuwa kasi alam naman namin, eventually matatanggap kami ng tao, magiging masaya na sila para sa aming dalawa.  Hindi lang sa personal kundi pati sa Reputasyon, tanggap na nila and marami nga raw ang kinikilig sa amin bilang Henry and Agnes."



Katulad ng maraming young actors sa ngayon, ang mga yapak pala ni John Lloyd Cruz ang gustong sundan ni Rayver.   



"Yun naman talaga yun, kaya nga pinasok mo kasi mahal mo ang trabaho mo, ang craft mo, kasi may gusto kang ma-acheive.



"Gusto kong maging John Lloyd Cruz. Magaling si Lloydie, mahirap di ba? Pero malay natin."

1  

more on this story

Show/Hide Comments

27 Comments

  • 27  kilabotako

    08/11/2011 | 05:58 PM
    accepted?o wala nalang paki ang mga tao sa inyo dahil pareha skayong nega at wala lang,hehehe,sus!si rayver na pilit ang star apil,,si cristine na sige sige ,hay nako,,sira ang mga image kaya inaayawan ng tao,,well,,masasabi klang,we love AIKO MELENDEZ sa soap nyo,siya ang nagdadala ng show nyo,.at hidni kayo,kase magaling syang umarte at pretty,mataba nga lang,wahahah,,well,,ok lang yan,pero sana mga bata pa kayo,alam nyo ang limitasyon niyo na magjowa palamang kayo,at hindi mag asawa,madami ng dalagang ina at binatang ama s amundo,wag ng dumagdag,wahahha.hay nako,,so young,.madami pang pweding mangyari at gawin,.focus sa work,mag ipon,magpundar muna,.para walang gamitan an mangyayari jan,.if u want na maging matatag kayo,ilagay nyo si GOD sa gitna ng relasyon nyo,.read the bible at respeto lang,.yun lang,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  2psinapod

    08/09/2011 | 12:17 AM
    I like these two. They look good together. Likewise, I like Angeline better than Sarah. Natural na natural si Angeline. There is an aura of innocence in her at walang kaplastikan. Mas maganda pa ang boses niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  elyb

    08/08/2011 | 08:12 PM
    kelan pa naging mas bagay si sarah kay rayver? si rayver starlet lang..haller...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  mayacita

    08/08/2011 | 06:04 PM
    Wala na bang ibang article SAME SAME SAME sawa na magkano ang bayad kaya sa mga reporter na ito. Bagay nga sila pakasal na sila parehas ang ugali nila magkaroon sana sila ng MARAMING ANAK
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  lukaret1

    08/08/2011 | 04:46 PM
    Sa totoo lang mas bagay si Rayver kay Sarah. Dahil pareho silang first girl friend at boy friend. Masyadong marami ng experience si Christine. Ang masama kay Sarah masyado niyang hinayaang makialam ang mga mukhang perang magulang niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  ehemm

    08/08/2011 | 04:34 PM
    lols. didn't read at all. it was a boring day, then no one was commenting kaya boring lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  lawrenzo

    08/08/2011 | 03:03 PM
    good luck. bagay kayo lol! pag may totoong nagmamahalan.. be happy for them. wag nega... masama sa katawan iyon. basta wala silang inaapakan at nilolokong tao, ayos iyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  kerie02

    08/08/2011 | 02:57 PM
    paki ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  cherry0274

    08/08/2011 | 02:06 PM
    kaya nga mag comment dito para malaman nila ang totoo kuha nyo sabi ni rayver natanggap na daw ng public ang relation sila i deadma nga wala pakialam kasi hindi na napag usapan kasi wala ng sarah g kasi kaya noon sila na pag usapan ngayon deadma na lang kuha mo rayver kahit kailan hindi ka maging sunod ng yapak ni mr john llyod cruz kasi una wala kang pang masa kuha mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  pwedenarin

    08/08/2011 | 12:43 PM
    Wala namang ganyanan! Masyado kayong makapanlait. I'm sure maraming manonood dyan Mga Class A Kapuso. Pero yun nga, ano bang reputasyon meron ang 2 ito? Asus!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  humanoid

    08/08/2011 | 12:23 PM
    nasan na ba ang reputasyon nilang dalawa? hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  FlyNDance

    08/08/2011 | 10:49 AM
    nakakatawa talaga yung mga taong hindi interesado pero nagcomment. the irony of it. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  song751

    08/08/2011 | 09:48 AM
    Sana sila na magkatuluyan.Love them.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  puckerlips143

    08/08/2011 | 09:46 AM
    ipokrita na boo.. b. oo pa mga nagsasabing hindi interesado at boring sa article ni cristine at rayver. the mere fact na nagwaste kayo gn time na iopen itong article na to at magtype ng inyong comment ay nangangahulugan lamang na interesado kayo kaya nga nagstop by kayo para magcomment sus...mga angat. hindi pala kayo interesado bakit pa kayo nagcomment.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  greencardholder

    08/08/2011 | 08:49 AM
    the mouth.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  Jockinthepan

    08/08/2011 | 08:14 AM
    Anong public acceptance. Wala lang talagang interesado ang public sa kanila. Next topic please.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  elyb

    08/08/2011 | 08:01 AM
    boring personality nya. walang pagasang sumikat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  kapamilyaito

    08/08/2011 | 07:10 AM
    Maganda at gwapo. Tigilan na ng iba ang pagiging bitter. Pareho silang single at malayang maging masaya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • nothing_personal

    08/08/2011 | 06:59 AM
    bleh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • doreen08

    08/08/2011 | 02:45 AM
    Gusto ko sila sweet couple sana kayo na ang magkatuluyan goodluck! cristine and rayver stay inlove,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About