Live na nag-guest si Kylie Padilla sa StarTalk TX kahapon, August 6, Sabado.
Ang unang itinanong ng StarTalk TX host na si Butch Francisco kay Kylie ay kung ano ang preferred role niya sa Blusang Itim; ang pangit na si Jessa or ang maganda (sa tulong ng blusang itim) na si Jessica?
"Mas gusto ko po gampanan... mas kumportable ako kay Jessa. "Mas nahihirapan po ako kay Jessica."
Isang game ang ipinagawa kay Kylie na kung saan iba-ibang litrato ang ipinakita sa kanya. She was then asked if she had a wish or a message for the person in the picture.
Ang unang litrato na ipinakita kay Kylie ay photo ni Frank Magalona na leading man ni Kylie sa Blusang Itim.
"Sana maging ano, masaya siya sa lovelife niya," tumatawang sinabi ni Kylie. "Alam na niya yun."
May alam ba siya sa lovelife ni Frank?
"Sinasabi po niya sa akin, kagaya ng sinasabi ko sa kanya yung mga nanliligaw, yung ganun."
So kilala niya kung sino ang espesyal sa buhay ni Frank?
"Kilala ko," sagot ni Kylie although ayaw niyang sabihin kung sino ang karelasyon ni Frank.
WISH FOR MOM. Sumunod namang ipinakita ay photo ng ina ni Kylie na si Liezl Sicangco.
"Ma, I hope you're happier now. And masaya ako na she's more religious now, and more peaceful sana, mas magaan yung loob niya."
Okay daw silang mag-ina.
Sumunod namang ipinakita ay ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.
"Si Papa kasi masayang-masaya ngayon e, so... kakagaling lang niya ng Europe, so I just wanna say I love you, Pa, and I hope that you'll be happy. Yun lang!"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
9 syetedos
8 syetedos
7 kilabotako
6 lukaret1
5 mysticalfire
4 critical_critic
3 drytstuff
2 under_rated
1 PinkButterfly