Si Janno Gibbs ang pinakabagong artist ng PPL Entertainment, Inc., ang talent management na pinamamahalaan ni Perry Lansigan.
Si Perry rin ang humahawak sa career nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, at iba pa.
Nagkaroon ng bonding si Janno sa ibang talents ng PPL Entertainment sa ginanap na pictorial para sa kanilang mga alaga ni Perry last Saturday, August 6, sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite.
CHANGING MANAGERS. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janno sa naturang pictorial ay hindi naman niya ipinagkaila na matagal siyang nasa pangangalaga ni Malou Choa Fagar bago siya lumipat kay Perry.
Si Malou ay may malaking katungkulan sa TAPE na siyang nagpo-produce ng nangungunang noontime show sa bansa, ang Eat Bulaga!.
Ayon kay Janno, "I was with Tita Malou and okay naman. Si Tita Malou kasi, para ko na rin talaga siyang mommy.
"Pero siyempre, si Tita naman, alam naman natin na busy rin siya sa Eat Bulaga!.
"So, when I decided na sige, i-try ko naman yung bagong manager, I thought of Perry.
"Kasi, SOP pa lang, actually, That's Entertainment pa lang, magkakilala na kami.
"And I don't deny naman na minsan talaga, mahirap akong i-handle.
"So, I guess, with Perry, okay naman, alam na nila!
"Ako naman, itina-try ko naman na hindi maging sakit ng ulo."
WHAT HAPPENED TO JANNO. For a while, samu't saring isyu ang naglabasan dahil sa hindi pagiging masyadong visible ni Janno kahit noong SOP pa lang.
Pero gaano nga ba katagal siyang nag-"lie low" sa kanyang career noon?
"Siguro more than a year din," sagot ng singer-comedian.




0

