"Well, I know about the movie. Alam ko kung gaano ka-intimate, kumbaga yung mga nangyayari sa mga scenes nila. But yes. So far, out of sight, out of mind. Hindi ko nakikita yung movie. So, it's okay. I'm fine not talking about it. So, okay lang," says Geoff Eigenmann about Carla Abellana's sexy scenes in My Neighbor's Wife.

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff Eigenmann last Saturday, August 6, sa pictorial ng lahat ng artists ni Perry Lansigan sa kanyang PPL Entertainment sa Hacienda Isabella.

Dito ay kinumpirma ni Geoff na makakasama niya si Heart Evangelista sa kanyang next project sa Kapuso network.

Katatapos lang gawin ni Geoff ang Magic Palayok. Supposedly, may isang TV show sana siyang sasamahan, pero mukhang ang soap opera nila ni Heart ang magpu-push through. 

Ayon kay Geoff, noong araw lang din niya nalaman na gagawa sila ni Heart ng soap sa Kapuso network.

"Yeah, I guess kami naman ni Perry, we haven't talked about it. But yeah... Yeah, I heard about it."

Excited ba siya sa tila reunion team-up nila ni Heart, na leading lady niya sa kanyang first movie na Bcuz of U at nakatambal sa ilang serye sa ABS-CBN noon?

"Yes, it's unexpected. Marami na rin [ang] nagtatanong about it. It has been so long.

"People have been asking. Ngayong pareho na kaming nasa GMA.

"I've been here two years, never na napag-usapan yun [team-up with Heart].

"Bilang last minute [decision], ang alam ko, I was doing something else, e. Biglang ito ang nangyari. Actually, today ko lang din nalaman.

"Excited kasi I don't know what to expect. Matagal na [kami huling nagkasama]. It's been a while.

"Nagkikita rin kami sa Party Pilipinas. We're okay. Nag-uusap kami, 'hi, hello.' Kamustahan.

"So, it's really good to see kung ano ang mangyayari.

"Kung nandoon pa rin ang chemistry or whatever, we'll see."

BYE CARLA? Pagkatapos ng Magic Palayok, magkakahiwalay na muna ng projects sila ng reel- and real-life loveteam niyang si Carla Abellana.