"Plano namin, bagong branch na hopefully, sa amin naman. Sa ngayon kasi, nagtitingin-tingin din kami ng location na sa amin na," says Marco Alcaraz about plan to open a coffee shop with Lara Quigaman.

Photo: Noel Orsal

Kinailangang patayin ang character ni Marco Alcaraz sa kuwento para mawala na siya sa afternoon series na Sisid.

This is to give way sa bago niyang teleserye na mapapanood tuwing hapon sa GMA-7, Pahiram ng Isang Ina.


WITH MAXENE AGAIN. Minsan na silang naging magkapareha ni Maxene Magalona sa My Lover My Wife noon, pero sandali lang daw si Marco sa serye.

This time, buong series na silang mapapanood bilang magkapareha.

"Maganda po ang feedback sa amin ni Max [Maxene] sa My Lover My Wife. So, ibinalik po ang tambalan namin dito sa Pahiram ng Isang Ina

"Hopefully, kung ano ang suporta nila sa amin ni Max [maulit]. Medyo sandali nga lang ako do'n. One to two weeks lang po ako. 

"Hopefully rin ngayon, mas deeper na ang friendship, mas deeper na yung samahan namin [ni Maxene]," sabi ni Marco nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ngayon naman daw, mabait ang character na ginagampanan niya bilang boyfriend ni Maxene.

Mas may challenge ba pag "mabait" ang role niya?

"Sanay kasi ako sa kontrabida roles. Ngayon naman, more on habol nang habol sa babae [ang role ko]."

Kumusta ba ang working relationship nila ni Maxene?

"So far kasi, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa mga characters namin. Kasi ilang weeks pa lang yung nababasa ko sa script. 

"Pero yun nga, I'm hoping na mas maging deeper yung friendship namin. Magkaibigan naman kami. Lumalabas minsan.

"We have common friends. Friend ko rin yung boyfriend niya."

Bakit do'n sa My Lover My Wife ba, nagkailangan sila?