Rochelle Pangilinan relates accident-prone start of relationship with boyfriend Arthur Solinap

Rommel R. Llanes
Thursday, August 11, 2011 @ 07:43AM  |  23459 views

 

"Kunyari, may nagyoyosi, tapos ginanun niya, sa akin tumapon yung upos, napaso ako," cites Rochelle Pangilinan about one of the accidents that happened between her and boyfriend Arthur Solinap before they became an item.

Photo By: Noel B. Orsal













Isa ang dating SexBomb girl na si Rochelle Pangilinan sa mga bagong artist ng PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan.

"Kapatid" na nga niya kay Perry ang mga tulad nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, ang boyfriend na si Arthur Solinap, at iba pang talents ng PPL na nag-photo shoot sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite noong Sabado, Agosto 6.

Kuwento ni Rochelle, ilang buwan din niyang sinubukan na i-manage ang sarili matapos ang maayos na paghihiwalay nila ng landas ng dati niyang manager na si Joy Cancio noong nakaraang taon.

Hindi raw naging madali para sa kanya ang maging talent, at the same time ay manager din. Nahirapan daw siyang makipag-usap sa mga potensyal na kliyente o projects habang nasa gitna ng isang trabaho.

"Tapos hindi ko masabi kung magkano ang budget ko! Hindi ko masabi, lalo na sa mga kaibigan ko... Shucks, hindi ko 'to kaya," kuwento pa ni Rochelle nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa break nito sa kanyang pictorial nang araw na iyon.

Sa pamamagitan daw ni Arthur ay nakausap niya si Perry at naging manager na niya mula pa noong June ng taong ito.

Hindi naman daw iba pa sa kanya si Perry dahil nakatrabaho na niya ang talent manager mula pa noong SOP days.

"Saka parang nanay-nanayan ko na rin 'yan, parang si Ate Joy. Nasasabi ko sa kanya lahat.

"Ako kasi, confrontational ako. Pag masama ang loob mo sa akin, kakausapin kita na, 'Oy, masama ba ang loob mo sa akin?' Ganun ako.

"Kilala na ako ni Mama Perry na ganun. So, sabi ko, hindi na ako mahihirapan na makisama sa mga ito kasi kilala na nila ako, kilala ko na rin sila.

"Yun kasi ang mahirap kapag bagong salta ka, yung adjustment na tinatawag. Ako, hindi ko na pinahirapan ang sarili ko.

"Si Mama Perry na lang talaga ang naisip ko para i-manage ako," patuloy ni Rochelle.

Hindi ba naging mahirap para ang pagiging magkasintahan nila ni Arthur ngayong iisang manager na lang sila? Hindi ba nakakasagabal sa trabaho?

"Actually, yun ang sinabi ko sa kanya. Sabi niya [Perry], 'Unang-una, hindi ko 'yan papakialaman.'

"Sabi ko, 'Aaah...yun. Thank you!'" tawa ni Rochelle.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name