Bilang panganay sa magkakapatid sa mga anak ng aktor na si Mark Gil, si Gabby Eigenmann ang isa sa mga unang nilapitan o nakaalam ng pagbubuntis ng kanyang half-sister na si Andi Eigenmann.
Si Gabby ay anak ni Mark sa actress-model na si Irene Celebre, samantalang si Andi naman ay anak ng aktor sa multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.
Sa ngayon, nakikita raw ni Gabby na okay na si Andi.
Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I saw her noong magkaroon kami ng reunion ng mga Eigenmann.
"It's been a very rare moment kasi it's been almost a year na hindi kami nagsama-sama.
"Umuwi rin kasi ang anak ni Tita Cherie [Gil], si Rafa.
"So, noong umuwi siya rito, I called up Tita Cherie and she said she's here na.
"At pag nag-oo ako, okay na... sunod na sila Ryan, sila Geoff, so, natutuloy na."
Sina Ryan at Geoff Eigenmann ay mga pinsan naman ni Gabby sa Tito Michael de Mesa niya.
ANDI'S PREGNANCY. Ano naman ang naging reception ng mga Eigenmann sa pagbubuntis ni Andi?
"Okay naman," sambit ni Gabby.
"Kung tutuusin, sa akin nanggaling ang info na buntis si Andi.
"Sinabi ko sa daddy ko. Tapos, eventually, nalaman din ni Tita Cherie.
"Ang ano ko lang, parang we're all here.
"Alangan namang i-disown namin. E, hindi naman kami ganoon.




0

