Naluluhang inalaala ng comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto ang huling pag-uusap nila ng kanyang Lola Lucing. Aniya, "Nakapagsalita pa siya na, 'Talagang wala na... Tanggapin mo na...' Tapos sabi ko, love na love ko siya, 'wag na niya akong intindihin, love you. Sabi niya, 'Alam ko naman yun, e, love you too.' Yun yung mga last niyang sinabi."

Photo: Melo Balingit

Noong Lunes, August 8, pumanaw ang lola ni Rufa Mae Quinto na si Lola Lucing.

Namatay si Lola Lucing, o Luisa Vergara Peña, bandang alas-siete ng umaga kahapon, sa edad na 86, dahil sa sakit na stage 4 colon cancer.

Matatandaang noon lamang June 3, nakasama pa si Lola Lucing sa birthday celebration ni Rufa Mae.

Masayang-masaya pa nga ang aktres nang ibalitang bumubuti na ang kalagayan ng kanyang lola. (CLICK HERE for related article.)

Pero ikinuwento ni Rufa Mae sa In The Limelight ng GMA News TV kagabi, August 10, na ilang araw pala matapos ang selebrasyon ng kanyang kaarawan, isinugod sa ospital ang kanyang lola.

Naging maayos naman daw ang lagay ni Lola Lucing matapos ma-confine ng ilang araw.

Pero hindi nagtagal, muli raw itong dumaing sa mga sakit na nararamdaman, bunga ng kumplikasyon sa sakit na colon cancer.

"Ayun na, nabalik siya sa ospital ulit one Sunday," kuwento niya.

"Hanggang sa inuwi na siya sa bahay.

"Mga five days na naman siyang tumagal tapos yun na, paggising namin 7 a.m., wala na..."

THE LAST MOMENTS. Bagamat nakakangiti na, mugto pa rin ang mga mata ni Rufa Mae nang magpaunlak sa interview.

Alam ng karamihan, lalo na ng mga kaibigan niya sa showbiz, na malapit si Rufa Mae sa kanyang lola.

Ito raw kasi ang nagpalaki sa kanya simula pa noong bata siya, na hanggang sa pagtanda niya'y patuloy na nakasuporta sa kanya.

Kumusta na nga ba siya ngayon?