Dahil danserye ang Time Of My Life, in our recent interview with Rocco Nacino, tinanong namin siya kung lalaban ba siya nang hatawan sa sayawan kay Mark Herras na male lead din ng show.
"I'll do my best. We have choreographers po dito and magpapatulong ako [sa kanila].
"I can't say I'm the best dancer. Si Mark magaling na magaling po," saad ni Rocco.
Alam ni Rocco na mahusay si Mark na tinaguriang "Bad Boy of the Dance Floor."
"Ita-try ko po and dun sa show po. I'll try everything para mapa-impress si Kris," referring to Kris Bernal na female lead nila.
EXCLUSIVELY DATING. Nag-iba kami ng tanong kay Rocco at ito ay kung sila na ba ni Sheena Halili, na balitang espesyal sa buhay niya ngayon.
"Still the same. Still dating," sagot ng young actor.
Walang development?
"May development, of course, habang tumatagal naman po."
Hindi pa ba sila umamin tungkol sa estado ng kanilang relasyon?
"Wala po kaming inaamin. Wala pa po kaming inaamin," sabi niya.
Bakit ayaw nilang umamin?
"Dahil wala pa naman pong kailangang aminin. Kung mero'n naman po, aaminin namin."
Mero'n na ba silang mutual understanding?
"We're dating."




0

