"'Ikaw ang nanalo, pero ngayon mas maraming napupunta [na projects] kay Ritz kaysa sa iyo? Ano ba 'yan?' Alam kong it was a joke, pero napipikon ako," says Eula Caballero about people pitting her against Star Factor batchmate Ritz Azul.

Photo: Courtesy of TV5

Tatlo ang shows ni Eula Caballero sa TV5. Ang youth-oriented series na Bagets, Just Got Lucky, ang drama series na The Sisters, at ang once-a-week musical variety show na Hey, It's Saberday.

Ang mga nabanggit na programang nilalabasan ng unang winner ng talent search na Star Factor ay pagpapatunay lamang na malaki ang tiwala sa kanyang kakayahan ng Kapatid network para maging isang malaking artista.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Eula, inamin nitong hindi madali sa kanya ang pagsabay-sabayin ang nabanggit na shows niya.

"Yun nga po. Since nag-start ang The Sisters, sobrang madalang na lang po akong nakakauwi ng bahay. 

"Sa isang linggo, nakakauwi ako ng thrice. May mga times na ang layo ng taping ng The Sisters sa Batangas, tapos didiretso na lang ako somewhere.

"Tapos nag-quit muna ako sa school. I'm into regular school sa IS. International School sa Cavite. 

"Sobrang hirap po talaga. Hindi ko na po nakayanan. 

"Tinapos ko na yung first grading. Pero sabi ng mom ko, ihahanap na lang niya ako ng homestudy na lang po.

"Fourth year high school na po sana ako," saad ng young actress.

Monday, Wednesday, at Friday ang taping ni Eula sa The Sisters.

"Pero minsan po, hindi na po nila ako kinukuha ng Wednesday para makapag-Bagets [taping] naman ako. 

"Minsan nagku-call sila ng Saturday. Kasi yung mga for airing na kailangang tapusin talaga na hindi ko nagagawa ng Wednesday. 

"Actually, nakapag-Saturday and Sunday na kami sa The Sisters, pero ang naka-block niya ay MWF. Pero, Wednesday ko nga ay for Bagets

"Yung Thursday po, rehearsal for Saberday. And then pag Friday po, hindi na ako nakakapag-tech [technical rehearsal]. 

"And then pag Saturday, yun na po yung taping naman namin for Saberday. Live and taping na yun.