Sold out ang first night ng two-day concert ni Erik Santos na PowER IKons sa Music Museum, kagabi, August 12, Friday.
Mamayang gabi, August 13, ang second night at inaasahang dadagsa uli ang mga manonood.
Guest performers ng Prince of Pop sina Stephanie Reese (she played Kim in Miss Saigon sa Germany), Star Power grand champion Angeline Quinto, at Concert Queen Pops Fernandez.
Base sa title ng concert, parang tribute sa international at local icons sa mundo ng music ang concept ng show.
Dito ipinakita ni Erik ang range niya sa pagkanta ng iba't-ibang songs na pinasikat ng singers here and abroad, gaya nina Barry Manilow, John Legend, to name a few.
At ang version din niya ng mga kanta nina Barbra Streisand, Whitney Houston, at ilan pang sikat na foreign singers.
Sa local singers, nandiyan ang kanta nina Basil Valdez, Martin Nievera, Sharon Cuneta, Kuh Ledesma, at iba pa.
Masayang-masaya rin si Erik dahil dumating din para magbigay-suporta ang mga kaibigang singers na sina Yeng Constantino, Rachelle Ann Go, at Sarah Geronimo.
Nandoon din sina KC Concepcion, Jed Madela, Richard Poon, Jamie Rivera, at ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.
Sigawan ang audience sa pag-akyat ni John Lloyd sa stage na kunyari ay siya ang may concert after lapitan siya ni Erik sa baba para pakantahin ng "I Can't Smile Without You."
"Masayang-masaya po ako dahil nag-sold out po tayo tonight. Nag-sold out po tayo tonight," ang medyo overwhelmed na bungad ni Erik sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) backstage after ng concert.
"Grabe yung mga friends ko, pumunta po sila talaga. Grabe, maraming-maraming salamat po."
WHERE'S RUFA MAE? Sino ba ang di pa dumarating sa mga friends niya na ine-expect niyang dumating sa second night ng concert niya?
"Sana po pumunta po siya," sagot ni Erik. Libing po kasi ng lola ni Rufa Mae [Quinto] ngayon."
Nakadalaw ba siya sa burol ng lola ni Rufa Mae na si Lola Lucing?




CALLED OUT
ALL COMMENTS
14 oskieness
13 panyan
12 apayagamin
11 beybong
10 Starngsuperstar
9 pwedenarin
8 flightforge29
7 pinas48
6 diane84
5 diane84
4 chubie_buknoy
3 petiteclau
2 iamrye
1 ngalotp