Marami ang nagsasabing isang rebelasyon ang kahusayan ni Martin Escudero sa Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington. In the movie, he plays a real man who slowly turns gay because of a curse.

 

Photo: Noel Orsal

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin Escudero last Thursday, August 11, sa presscon at press preview ng launching movie ni Martin, ang Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington, produced by Origin8 Media.

Ang una naming itinanong kay Martin ay kung ano ang naramdaman niya na A ang grade na ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa kanilang pelikula.

"Oo nga," masayang bungad sa amin ni Martin.

Nasorpresa daw siya nang malaman ang magandang balita.

"Siyempre kasi hindi ko inaasahan na rated A kasi unang-una, PG-13, pero ayun, awa ng Diyos, sa pagsusumikap namin, rated A siya."

Marami ang nagsasabing isang rebelasyon ang kahusayan ni Martin sa pelikula where he plays a real man na dahil sa isang sumpa ay unti-unting naging bakla.

Umpisa na ba ito ng isang pagiging seryosong aktor ni Martin?

"Oo, ano na e, kumbaga yung mga ginawa ko noon e, talagang malayo na sa mga ginagawa ko ngayon."

Magpapaseksi na rin ba siya nang husto sa susunod niyang mga projects? May mga medyo seksing eksena si Martin sa naturang pelikula.

"Ah darating tayo diyan, malapit na yan. Basta pag tumanggap ako, kumbaga ng isang sexy na trabaho, sisiguraduhin ko muna na ready na ako," says the 21-year-old actor.

Saan siya humugot ng galing; paano niya napalabas sa pelikula ang husay niya bilang artista?

"Ano na lang siguro, kasi talagang minahal ko yung script, na pumasok talaga sa akin si Remington."

GAY SIDE. Biniro namin si Martin, baka may itinatago siyang "gay side" ng kanyang personality dahil nga napaka-convincing niya sa kanyang role, lalo na sa mga eksenang nagta-transform na siya sa pagiging isang bading.

"Di ba sabi nila,  lahat ng lalake nagdadaan sa stage na nagiging soft ka? Siguro iyon na lang din ang isa sa mga ginamit ko sa movie.