Unbreakable ang titulo ng bagong album ni Rachelle Ann Go.
Kung susuriin, bagay na bagay kay Shin (palayaw ni Rachelle Ann) ang title ng album dahil sa kabila ng mga intrigang pinagdaanan niya, patuloy pa rin sa pamamayagpag ang kanyang career.
Heto nga't matapos ang acting stint niya sa Nita Negrita, isa naman siya sa mga Mentors sa bagong GMA-7 talent search na Protégé at meron pa siyang bagong 14-track album, kunsaan may dalawa siyang original compositions.
Pero isa sa mga bagong intrigang kasalukuyang sumusubok kung gaano ka-"unbreakable" ang 24-year-old singer-actress ay ang tsismis sa kanila ng Andres De Saya star na si Cesar Montano.
Nagsalita na si Cesar tungkol dito at pinabulaanan nga ang tsismis na nagsimula muna bilang isang blind item. (CLICK HERE to read related story)
Sinabi sa blind item na isang aktor at isang singer na kabe-break lang sa boyfriend nito ang nagkamabutihan sa isang event abroad. Lumutang nga ang pangalan nina Cesar Montano bilang ang aktor at si Rachelle Ann bilang ang singer na kabe-break lang sa boyfriend.
Ani Rachelle Ann tungkol sa tsismis sa kanila ni Cesar, "Hindi po talaga totoo, kung anuman 'yan. Nagkasama po kami sa GMA PinoyTV, isang show po yun [sa Vancouver, Canada]. Yun lang. Hindi po totoo 'yan.
"Siguro nakita n'yo kami sa entablado nagdu-duet kami, magkahawak ng kamay. Ganun po. Duet po yun. Tapos.
"Huwag po sana nating bigyan ng malisya. Dahil unang-una, may pamilya po yung tao. Kumbaga, respetuhin na lang po natin yun," patuloy pa ni Rachelle Ann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang umi-interview sa kanyang media, bago sumalang sa mini-concert niya na ginanap sa Eastwood City Mall Open Park, kahapon, August 13.
Nagkausap na ba sila ng asawa ni Cesar na si Sunshine Cruz tungkol sa tsismis?
"Hindi po... Hindi naman po kami magkakilala," sagot ni Rachelle Ann.
Pero si Cesar, humingi raw ng paumanhin sa kanya sa pagkakaroon ng tsismis sa kanilang dalawa.
"Sabi niya pasensiya na. Sorry na may ganun nga pong lumabas na hindi po magandang isyu," sabi pa ni Rachelle Ann Go.
GOING OUT WITH ANDREI FELIX. Isa pang isyung nilinaw ni Rachelle Ann ay ang pagkaka-link din sa kanya ngayon sa ex ni Jennylyn Mercado na si Andrei Felix.
Namataan daw kasi silang nagde-date.




0

